Plane Crash sa Parañaque Ilan sa mga Nasawi, Kinilala na

TINIYAK NI Parañaque City Mayor Jun Bernabe

na papanagutin ang may-ari ng light aircraft na bumagsak at nagdulot ng sunog sa Merville Subdivision, Brgy. Don Bosco sa lungsod kamakalawa, na ikinasawi ng 14 katao.

Ayon sa alkalde, nakuha na nito ang contact number sa kumpanya ng Queen Air light aircraft na pagmamay-ari umano ng isang nagngangalang Atty. Velasquez at sinubukabng kausapin kahapon.

“Siyempre may insurance ‘yan kaya kailangan magamit natin ‘yan. He has to be held accountable also dahil eroplano niya yan,” ani Bernabe.

Tinatayang nasa 50 hanggang 100 mga kabahayan ang nadamay sa pagbagsak ng nasabing eroplano malapit sa F. Serrano Elementary School, Brgy. Don Bosco.

Samantala, may pagkakakilanlan na rin ang anim mula sa 14 nasawi sa plane crash. Kabilang dito ang pilotong si Capt. Timothy Albo, co-pilot na si Josie Luptica, nag-iisang pasahero na si Maricel Garado, at pinaniniwalaang mga residente ng naturang lugar na sina Maribel Velasco, Margarita Berbera at James Remlon.

Aminado ang PNP na nahihirapan sila sa pagkilala ng iba pang mga nasawi dahil sunog na sunog daw ang katawan ng mga ito.

Kailangan umanong isailalim sa DNA (deoxyribonucleic acid) testing ang mga narekober na labi sa bumagsak na eroplano.

Sa pahayag ni Philippine Red Cross secretary general Gwendolyn Pang, “beyond recognition” na umano ang mga katawan ng mga biktima.

Pinaniniwalaan na kasama rin sa mga biktima ang mga naiulat na missing na sina: Edna Arcilla, 20; Arnold Arcilla, 18; Ruel Moreno, 26; Janine Moreno, 1; Maribel Nolasco, 36; Margarita Ranon, 27; James Bryan Ranon, 5; Clive Replorido, 3; Roldan Sabidorian, 49; at Maricel Rodriguez.

Naka-confine sa Parañaque Doctors Hospital sina Mary Rose Sabidura, 14; Mark Ryan Sabidura, 12; Madrid Rensel Sabidura, 10; Roldan Sabidura, 6; Abrece Emelita, 12; Nolasco Melvin, 8; Edna Bigay, 47; Kevin John Molina, 11; Rodelyn Molina, 5; at Ricky Buton, 30.

Sa ngayon, patuloy naman ang pagbibigay ng mga pagkain sa mga residenteng nasunugan.

Samantala, aminado si CAAP director general Ramon Gutierrez na ma-liban sa flight records ng eroplano at mga piloto, aasa ang kanilang pagsisiyasat sa testimoniya ng mga eye witnesses.

Ayon naman kay C/Insp. Enrique Sy ng Parañaque PNP, sinabi nitong posibleng engine trouble ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano base na rin sa salaysay ng ilan sa mga nakasaksi sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.