PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong napakaguwapong hunk actor na kamakailan lamang ay naispatan sa Eastwood.

PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong napakaguwapong hunk actor na kamakailan lamang ay naispatan sa Eastwood.

What’s wrong naman kung makakita ka ng guwapong nilalang sa isang mall, hindi ba? Ngunit ang ikinagulat ng marami ay ng makita nilang HHWW as in holding hands while walking sa isang babae sa fourth level ng nasabing mall.

Ang mas nagpalala pa ng sitwasyon, hindi naman kaseksihan ang girlet at may kasama pang bagets! Tama! Mukhang happy family ang drama ng tatlo na sobrang sweet at masaya na namamasyal.

Ano naman kaya ang nakita nitong guwapong actor at nalagay siya sa ganoong sitwasyon? Hindi pang-display ang girlet dahil mashuba, mukhang may sabit pa dahil may kasamang bata at hindi rin naman maaa-ring sa pera dahil kumikita ng pera itong guwapong actor. Hmmm… Baka nga naman isa lang ang dahilan. TL as in True Love! Malay mo, ‘di ba?

Sino kaya itong guwapong actor na willing maging stepfather sa anak ng hindi kagandahan at mashubang non-showbiz girl? Hmmm… hindi kaya naaliw siyang masyado sa ganu’ng figure na minsan na niyang naging role?! Ha-ha-ha! Oh, ayan ha, given na!

‘Wag n’yong sabihing hindi n’yo pa rin gets, ha?! Kung ganu’n ay pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:00 NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

(Tita Swarding)

loading...

3 thoughts on “PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong napakaguwapong hunk actor na kamakailan lamang ay naispatan sa Eastwood.

Leave a Reply

Your email address will not be published.