PITIK-BULAG! MAHULAAN n’yo kaya itong gay comedianne na donyang-donya ang dating dahil sa rami ng projects at mga business na pinagkaka-raketan niya?

PITIK-BULAG! MAHULAAN n’yo kaya itong gay comedianne na donyang-donya ang dating dahil sa rami ng projects at mga business na pinagkaka-raketan niya? Imagine, may mga TV shows na, may mga bars pa! Oh, sinong mag-iisip na walang pera itong komedyanteng ito, ‘di ba?

Hindi rin sumagi sa isip ng aking parazzi girl na ang isang sikat na komedyante ay walang pera dahil noong Lunes ng gabi,  naispatan niya ang komedyanteng ito na nagsasaya kasama ang mga friends sa isang bar sa Timog. Nagulat na lamang ang aking parazzi girl nang lapitan ang kanyang male friend ni komedyanteng full of confidence. Ipinakilala ni male friend kay komedyante itong ating parazzi girl na may magulang na kilala rin sa mundo ng showbiz.

Dahil sa nagtatrabaho sa iisang industriya ay hiniritan ni parazzi girl si komedyante ng Pamasko at nagulat na lamang ang ating sa source sa sagot sa kanya na, “Sa susunod na lang, wala kong pera ngayon, eh”. Ang taray, ‘di ba?! Sino ba naman ang maniniwala sa kanya?

At ang mas nakakatawa pa roon ay nang i-take home niya si male friend. Oh, ano’ng say n’yo? Don’t tell me for free lang ang pagka-getching niya sa guwapong papang iyon?

Sino itong kuripot na sikat na gay comedianne na pagdating sa lalaki ay willing magwaldas ng sangkatutak na salapi makapag-take home lang? Hmmmm… siguro nga ay may K itong si male friend kaya natipuhan siya! Sa tingin n’yo?

Wag n’yonng sabihing hindi n’yo pa rin gets, ha?!

(Tita Swarding)

loading...

6 thoughts on “PITIK-BULAG! MAHULAAN n’yo kaya itong gay comedianne na donyang-donya ang dating dahil sa rami ng projects at mga business na pinagkaka-raketan niya?

  1. Ito ang kaugalian nating Pinoy na nakakainis. Mahilig humingi at pag hindi nabigyan, galit pa. Ang regalo ay kusang ibinibigay. It is also customary that if one receives a gift, one must, at least, for the sense of descency, give a gift in return or a thank you card.

  2. tang ina mo, hindi lang nabigyan ng pera ganyan kana, kaya hindi kayo nirerespeto sa lipunang ito dahil sa mga gawa nyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.