Pitaka ako ni Morato – Fely L.

MISTULANG PITAKA AKO ni Manuel Morato.  Sa pamamagitan ng isang emissary, ito ang pinahayag ni Fely L., 83 anyos at dating kilalang socialite tungkol sa kanyang napabalitang kaalaman sa mga bintang na katiwalian sa dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Morato.

“Binabagabag ako ng aking konsensya. Panahon na upang isiwalat ko ang aking nalalaman,” ayon kay Fely L.

Ang pahayag na ito ay lumabas sa gitna ng nahukay na diumano’y mga anomalya sa pagpapatakbo ng PCSO ni Morato nu’ng administrasyong Ramos. Napabalita na ilan sa anomalya ay tungkol sa komisyon sa ad placements at pagbili ng ambulansya. Sa naunang mga pahayag, inamin ni Fely L. na ang mga kinita sa mga transaksyong ito diumano ay pinadeposito ni Morato sa kanya sa isang Foundation.

Ngunit sa isang reaksyon, idiniin ni Morato na wala siyang kilalang Fely L. at hindi totoo ang mga ibinibintang sa kanya.

Binanggit din ng emissary na si Fely L. ay lulutang sa publiko o kaya’y magsusumite ng sworn affidavit tungkol sa kanyang mga nalalamang anomalya tungkol kay Morato sa nararapat na panahon. Pinabubusisi rin ni Fely L. ang Morato Foundation sa SEC at BIR.

Samantala, sa mga opinion ng mga tagamasid, ang sunud-sunod at walang puknat na banat laban sa kasalukuyang management ng PCSO ay maaaring isang grand conspiracy para siraan si PCSO Chair Margie Juico kay Pangulong Noynoy.  Nagsimula ang mga banat sa pag-

lipat ng PCSO Office sa PICC mula Philippine Tuberculosis Society-QI Compound sa Quezon City, walang katotohanang tsismis tungkol sa overpricing ng lotto thermal paper at mga poison ads na ‘di tinanggap ng mga dyaryo laban sa mga Juicos.

Mapupuna rin sa kanyang column sa isang tabloid na si Morato ay banat ng banat nang walang basehan laban sa mga Juicos.

Dugtong pa ng mga tagamasid na ang mga banat na ito ay maaaring nanggagaling din sa mga gambling lords at operators ng bookie joints at iba pang illegal na sugal na apektado ng kasalukuyang epektibong pagpapatakbo ng lotto. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.