PISTON, Lalahok sa Martsa Kontra Pork Barrel

DUMAMI PA ang mga grupong nagpahayag ng paglahok sa “Million People March” laban sa pork barrel ngayong araw na nag-umpisa lamang sa panawagan ng netizens sa social media.

Sinabi ng transport group na PISTON (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide) na sasama rin ang kanilang hanay sa martsa.

Inihayag ni PISTON President George San Mateo na uumpisahan nila ito sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga drayber at operators sa Liwasang Bonifacio saka magmamartsa patungong Luneta.

Maging sila aniyang mga drayber ay nasusuklam na sa pork barrel lamang napupunta ang buwis na kanilang pinagpawisan.

Hindi naman bilib si San Mateo sa sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na ipinabubuwag na ang pork barrel dahil ang totoo ay papalitan lamang ito ng pangalan.

Itinaas na rin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang alerto habang ang Manila Police District (MPD) ay magpapatupad ng full alert status.

Samantala, aminado si NCRPO Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. na hirap silang matukoy kung gaano talaga kadami ang lalahok sa “Million People March” dahil sa online lamang nag-umpisa ito at walang matukoy na direktang organizer.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.