Piston, ‘Di Tutol sa Hirit na P7 Minimum Fare

PLANONG IHIRIT ng National Council on Commuters Protection (NCCP) na gawing P7 ang ngayo’y P8 na pasahe sa jeepney, kung magpapatuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay NCCP President Elvira Medina na ito’y kung tuluyang magiging matatag ang presyo ng produktong petrolyo at mas bababa pa sa P40.

Bukas naman ang mga transport group sa fare rollback kung magiging makatuwiran ang pagbaba, ani Medina.

Ayaw rin naman nilang mahirapan ang transport sector kung basta na lamang sila hihingi ng rollback sa pasahe, dagdag pa nito.

Hindi naman tutol ang transport group na Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa balak ng NCCP na maghain ng petisyon para ibaba ang minimum fare sa pamasahe sa jeep.

Ayon kay Piston President George San Mateo na karapatan ng mga commuter na maghain ng petisyon para bawasan ang pamasahe sa jeep basta ang mahalaga’y dumaan ito sa public hearing ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)

Sakali aniyang may maghain ng petisyon ang NCCP ay handa silang pag-aralan ito at sagutin sa LTFRB.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.