PISTA NG PELIKULANG PILIPINO PARADA SA AGOSTO 11

Erich Gonzales in ‘We Will Not Die Tonight’

ANG FILM FESTIVAL ay magsisimula sa isang Grand Fans Day na magaganap sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle sa Agosto 11 at All Star Caravan na ang parade na magsisimula sa Amoranto Stadium (Roces Ave.) na babagtasin ang Timog at Maginhawa streets patunong  Quezon Memorial Circle na lalahukan ng mga artista ng walong pelikula na kasali as official entries tulad ng Ang Babaeng Allergic sa Wifi nina Sue Ramirez, Markus Paterson at Jameson Blake; , Bakwit Boys nina Vance Larena, Nikko Natividad, Ryle Santiago at Mackie Empuerto; Madilim Ang Gabi na bida sina Gina Alajar, Philip Salvador at Felix Roco; Pinay Beauty nina Edgar Alan Guzman, Maxine Medina at Chai Fonacier; Signal Rock nina Christian Bables, Mara Lopez, Elora Espano at Nanding Josef; The Day After Valentine’s nina JC Santos at Bela Padilla; Unli Life nina Vhong Navarro, Winwyn Mrarquez at Joey Marquez ; at ang We Will Not Die Tonight nina Alex Medina at Erich Gonzales.

Bakwit Boys cast members

Ang PPP ay magkakaroon din ng mga palarong Pinoy, cultural presentations at food bazaar.

Kasabay ng mga nabanggit na kaganapan ay magkakaroon ng Film Industry Conference sa Novotel-Araneta Center sa Agosto 17 at 18 kung saan maaaring makibahagi ang publiko sa iba’t ibang mga discussions and film industry forums.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.