Pista ng Nazareno, Uulanin

MALAKI ANG posibilidad na ulanin ang Metro Manila sa darating na Enero 9 sa araw ng Pista ng Nazareno sa Quiapo.

Base sa pagtaya ng PAGASA, maaaring maapektuhan ng malamig na hanging amihan at intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hanging may kasamang kaulapan mula sa Pacific Ocean.

Hindi naman ito lalakas at malabo ang anumang posibilidad ng pagbaha sa Kamaynilaan.

Samantala, tinatayang hindi makaaapekto sa Metro Manila ang papalapit na low pressure area (LPA) dahil sa Minda-nao region ang direksyon nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.