Pisong Budget sa DFA at DOLE, Babala ng Senado

PISO ANG magiging budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa 2014 kung mabibigo ang mga ahensya na resolbahin ang kaso ng ‘sex-for-flight’ at papanagutin ang mga embassy offocial na sangkot dito.

Sinabi ni acting Senate President Jinggoy Estrada na siya ring pinuno ng Senate Committee on Labor at kasapi ng Congressional Oversight Committee on Overseas Workers Affairs, dapat mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng sexual abuse.

Hinamon naman niyang buwagin ang sindikato sa hanay ng mga embassy at labor officials sa Middle East na sangkot sa sex scandal para matigil ang eksploytasyon kung saan biktima ang mga kababaihan at distressed overseas Filipino workers (OFWs).

Samantala, galit si Estrada dahil ang mga naabusong OFW ay muling napagsasamantalahan ng mga taong dapat ay unang sumaklolo sa mga kababayan sa ibang bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.