Pipi’t Bingi, Kinikilan

KULONG ANG isang kelot habang nakatakas ang kasamang bebot matapos hingan ng pera ang isang pipi’t bingi upang tigilan na ang pambu-bully ng mga una sa huli sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Nahaharap sa kasong robbery extortion sina Martin Reyes, 20; habang nakatakas si Eira Mae Dela Cruz, kapwa ng Lawa, Obando, Bulacan.

Sa pahayag ni June Roa, humingi sa kanya ng tulong ang biktimang si Jaycel Tano, 29, ng nasabing lugar na humihingi ng P15,000 ang mga suspek upang tigilan na ang pambu-bully ng mga suspek.

Humingi ng tulong sa mga pulis sina Roa at napagkasunduan magsagawa ng entrapment operation hanggang magkasundo na ibibigay ang pera sa SM Valenzuela City.

Alas-2:30 ng hapon, nagkita ang biktima at mga suspek sa overpass ng SM Supermart sa Karuhatan ng lungsod at iniabot ng biktima ang limang tig-iisang libo na may ultra violet powder kay Reyes na na-ging hudyat upang damputin ng mga nakapaligid na mga pulis at dalhin sa presinto habang nakatakas si Dela Cruz.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.