Pipi, Napagalitan ng Ama, Nagpakamatay

PATAY NA nang natagpuan ang isang pipi matapos na paniwalaang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti.

Ang naturang biktima ay kinilalang si Melkisidy Cuyungan, 16-anyos, residente ng Purok Matutum, Barangay Fatima sa General Santos City.

Ayon sa ama ng biktima na si Renato Cuyungan, napagalitan nito ang biktima matapos naki-pag-agawan sa kanyang nakababatang kapatid na babae dahil lamang sa album kaya’t pinalo niya ang mga ito.

Kaagad umanong kumuha ng lubid ang biktima upang magpa-kamatay pero napigilan pa ito.

Ngunit noong kakain na ng hapunan ay biglang nawala si Melkisidy at kinabukasan ay nakita na lamang itong nakabitin sa isang bakanteng bahay malapit sa kanila.

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang sintas ng sapatos na sinasabing ginamit ng biktima sa pagbibigti.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.