Pipelaying ng Maynilad, Kinontra ng MMDA

HINDI PINAYAGAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pipelaying ng Maynilad sa Taft Avenue sa EDSA dahil sa idudulot nitong pagsisikip sa trapiko.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na sasabay kasi ito sa pagbubukas ng Southwest Integrated Provincial Transport Terminal sa Coastal Mall sa Agosto 6.

Ayon kay Tolentino, maaapektuhan din ito ng planong pagtatayo ng flyover ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kaparehong lugar.

Sa Agosto 1 sana sisimulan ang pipelaying ng Maynilad na tatagal hanggang Disyembre 14 nga-yong taon.

Samantala, inihayag rin ni Tolentino na posibleng sa Setyembre pa payagan ang Maynilad na simulan ang nasabing proyekto.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.