Piolo’s career will go down the drain when teamed up with Sarah Geronimo?

BLIND ITEM: NAIKUWENTO ni Young Big Winner sa isa niyang kaibigan na textmates sila ng isang aspiring singer na galing sa isang academy.

Ang text messages sa kanya: “Musta na?” “Ano gawa u?” “Ano gimik mo?” “When tayo labas?”
Ayaw naman ni Young Big Winner na bigyan ‘yon ng malisya, pero sa ibang tao, me malisya ‘yon. Lalo na’t natsismis na bading si aspiring singer nu’ng nandu’n pa ito sa academy.

Anyway, hanggang du’n lang naman ang kuwento. Ewan kung “gumimik” ang dalawa at nagkatalamitam. Nagkatalamitam daw, o!

Ang clue? Si Young Big Winner ay ano na nga ba ang nangyari sa career nito matapos maging big winner?

At si aspiring singer? Ayaw ng senado ng ganyan.

TAMA LANG NA ‘wag na munang ituloy ang Sarah Geronimo-Piolo Pascual movie. Pahinga muna. Dapat ke Sarah, ibang genre naman. Like family-oriented movie ang kanyang gawin at wala munang kalabtim.

Kasi, baka ‘pag ginawa ang Sara at Piolo eh, mag-pale ito in comparison sa You Changed My Life at sa naunang A Very Special Love.

Ang projection ng Star Cinema ay baka maka-P250M ang maging nationwide gross for the whole season na ipinalabas ang You Changed My Life, kaya ang susunod na team-up ni Sarah sa ibang leading man ay tiyak na maikukumpara.

Kaya right project ‘yung next ni John Lloyd na isang Vilma Santos starrer.

AKALA NG STAFF ng May Bukas Pa, may huhulihin ang pulis na pumunta sa set. May kasama itong apat na titser. ‘Yun pala, gusto lang nilang makita at makausap si Santino para pasalamatan ito.

Bakit daw?

Eh, kasi pala, sinamahan ng police superintendent sa Pampanga ang mga guro para sabihin lang na ni-require nilang assignment sa kanilang mga estudyante ang panonood ng mga bata ng May Bukas Pa.

At kinabukasan, meron silang recitation tungkol sa anong values ang natutunan nila na ibinahagi ni Santino.

Honestly, dear Ed, grabe talaga ang impluwensiya ni Santino sa mga kabataan, kaya naman ang production staff ay miting nang miting para makapag-come up ng bonggang istorya na lulutasin na naman ni Santino.

Even our daughters, nakatutok talaga sa May Bukas Pa, dahil ke Santino at dahil na rin sa ang ama nila ay kasama rin doon.

Heheheh!

‘WAG N’YONG KALILIMUTANG makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Piolo’s career will go down the drain when teamed up with Sarah Geronimo?

  1. You know wAT somebody is telling me THAt piolo paschal, Luis manzano, are totally ” gay” kc one of abs-cbn’s staff got married, and one of my best-friend is her designer for her wedding entourage, pti yung pananahi ng gown, and then suddenly thos girl telling a story about piolo and Luis that they are totally “gay” as in tlaga! I was so shock because I was so fan of piolo lht ng movies kelangan mapanood ko, pero na scratch lht dhl Kala koatcho! Matcha pla! And that is true!

Leave a Reply

Your email address will not be published.