Piolo, taga-Siyete ang kinuha sa ipino-produce na pelikula!

NANINIWALA SI PIOLO Pascual na dapat na ring bigyan ng pagkakataon si Eugene Domingo na magbida. Being one of the producers ng pelikulang Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme). Ayon kay Piolo, very talented si Uge at deserving ito sa ganoong pagkakataon.
Marami kasi ang nagtatanong kay Piolo kung bakit si Uge ang napili nila. May kumukuwestiyon pa sa edad ni Uge para bigyan ng launching pic.
Sabi ni Piolo, “Wala namang edad-edad sa talent. Basta may ibubuga ka, may talent ka, walang dahilan para hindi ka pagtiwalaan. Matagal na rin si Uge sa industriya, and in terms of professionalism, matindi na ang napatunayan niya.”
Dahil mahusay ring makisama si Piolo, marami sa mga kaibigan niya ang nag-cameo o sumuporta sa pelikula ni Uge, aside from Dingdong Dantes, na siyang leading man ng komedyana rito. Kasama rin dito sina Miriam Quiambao, Mark Bautista, Baron Geisler, Paolo Contis, pero dominated ni Uge ang pelikula.
Gustong linawin ni Piolo na hindi nila naisip na puro GMA talents ang isaksak sa ipino-produce niyang pelikula. Si Uge nga raw, hindi naman exclusive sa GMA at nagkataon lang na sa GMA ito madalas napapanood sa ngayon.

SA PALAGAY NI Joey Marquez, ang primary concern ng gaya niya, being the eldest in the group na mina-manage ni Tito Douglas noon, ay ang gumawa ng paraan, kasama ang iba pa, para mailagay sa ayos ang mga baguhang talents, para magpatuloy ang naumpisahan o kahit uumpisahan pa lang ni Tito Dougs para sa kanila.
Tuloy pa rin naman ang career niya dahil naririyan pa rin siya. Nasa cast siya ng Adik sa ‘Yo. Siguradong hindi na mawawala pa sa eksena si Joey hangga’t naka-focus siya sa pag-aartista.
Sa personal na buhay, ito na ‘yung panahong tahimik na si Joey. May lovelife pa rin daw, pero hindi ‘yung gaya noon na well-publicized. Ang image na womanizer ay tipong thing of the past na para sa nagkakaead nang si Joey. Gaya rin sa pananahimik na ng mga babaeng nakarelasyon niya in the past, gaya nina Kris Aquino at Alma Moreno.
Wala siyang ibang masasabi kung hindi ‘yung masaya siya para kay Kris na tahimik na ang married life sa piling ni James Yap. Samantalang si Alma Moreno, kahit na nga nagpakasal na raw sa isang pulitiko from the South, mas madalas na nakakausap si Joey ngayon dahil sa kanilang mga anak.

LAHAT ng goodlooking hunks, l8-25 years old, 5’8″ in height pataas, at kung marunong kumanta at sumayaw, may auditions this Wednesday, July 1, from 2-5PM sa DW Productions office, Rm. 407, Cabrera Bldg. II, #64 Timog Avenue, Quezon City. Magdala lang ng full body shot photo at resume. Para ito sa talent agency ni Daddie Wowie Roxas, ang responsible sa pagbongga ng mga pangalan nina Glydel Mercado at Troy Montero sa showbiz. Seryoso si Daddie Wowie na maka-discover uli ng bagong talents, at baka nga pagkakataon na ninyo ito, lalo na roon sa mga wala pa namang managers.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

4 thoughts on “Piolo, taga-Siyete ang kinuha sa ipino-produce na pelikula!

  1. cost-cutting kaya taga-shiyete ang kinuha nya (Uge is still identified as ABS, ok). kapag kapamilya kasi malaki ang TF. kapag sa shiyete, BARGAIN!

  2. most of Uge’s projects started in ABS so kilala na ni Piolo si Uge before GMA. binigyan lang ng malisya eto just to add incitement to the ongoing network wars between GMA and ABS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.