Piolo Pascual, type na makapareha si Liza Soberano sa pelikula

Piolo Pascual & Liza Soberano

Piolo Pascual & Liza Soberano

Napaka-vocal ni Piolo Pascual nang aminin niya sa “It’s Showtime” na gusto nitong maging leading lady si Liza Soberano. Siyempre flattered ang dalaga sa tinuran ng actor. Willing din ang young star na makatrabaho ang award-winning actor. The feeling is mutual.

Marami ang na-excite, lalo na ang fans ni Liza at ng actor pati ang kaibigan naming si Sheila Quieta. Happy ang fans ng dalawa na magtambal ang kani-kanilang idolo. Bagay naman sina PJ at Liza, may chemistry sila on the big screen. Guwapo si Papa P at guwapa si Liza S.

After ng big success ng pelikulang “Love Me Tomorrow” nina Piolo at Dawn Zulueta, nag-iisip agad ang Star Cinema ng susunod na movie project for PJ. Sa tingin namin, hindi lang masabi ng actor kay Madam Malou Santos na gusto niya si Liza ang ka-partner sa next movie project nito sa Star Cinema.

Nang mag-guest si Piolo sa “It’s Showtime” ni Vice Ganda, pagkakataon na niya para ipaalam sa mga big bosses ng Star Cinema na si Liza ang gusto niyang maging leading lady.

May tsikang magkakatotoo raw ang wish ni Piolo Pascual na makatrabaho si Liza. Naghahanap daw ngayon ng magandang material ang Star Cinema para sa dalawa. Posibleng romantic- comedy ang bagay sa dalawang bida. Swak lalo na sa viewing public kung ang box-office director na si Cathy Garcia- Molina ang magiging director nina Papa P at Liza. Queen of Rom-Com yata si Direk Cathy at alam niya ang formula kung papaano kilitiin, pakiligin, at patawanin ang manonood.

If ever na matuloy ang tandem nina Piolo at Liza Soberano, walang mintis na box-office hit ang tandem ng dalawa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “Piolo Pascual, type na makapareha si Liza Soberano sa pelikula

  1. Oo type in piolo na makasama si Liza..para pagandahin at mag make up DBA pekeng choco na nakalimutang magpalit ng email kaya supalpal..accounts pa more si bakla hihihi…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.