Piolo Pascual, type makahalikan ni Precious Lara Quigaman by Julie Bonifacio

DEAD NA DEAD pala ang dating Miss International turned actress/TV host na  si Precious Lara Quigaman sa aktor na si Piolo Pascual.  Aminado si Lara na crush niya si Piolo  noon pa man. But sad to say, wala pa’ng chance na magkatrabaho sila ni Papa P.

Wish nga ni Lara na mag-guest daw sana si Papa P sa top rating top-rating teleserye  nila na May Bukas Pa sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Hindi naman imposible na mag-guest si Papa P sa show tulad ng ibang Kapamilya stars na  umapir na sa teleserye na pinagbibidahan ni  Zaijin Jaranilla bilang si Santino dahil extended ang show hanggang January, 2010.

Supposed to be kinukuha na raw si Piolo na mag-guest din sa May Bukas Pa. Kaya lang ay tumanggi  ang aktor dahil kage-guest pa lang niya that time sa Komiks Presents  Nasaan ka Maruja.

Payag din si Lara na magkaroon ng kissing scene at kahit bed scene pa raw sa TV man  o pelikula basta  si Papa P raw ang ka-eksena niya. Feeling nainggit naman si Lara sa controversial new artist ng Star Magic na si Maricar Reyes  na kasama sa Lovers in Paris nu’ng malaman niya na may kissing scene siya at si Piolo.

Sabi pa ni Lara sa amin nu’ng makausap namin siya  sa San Joaquin Elementary School sa Pasig City  para sa campaign na ginagawa niya for the Mommies bilang celebrity endorser ng Bear Brand milk, “Kinuwento ni Maricar sa akin nu’ng nagte-taping kami ng May Bukas Pa. May kissing scene siya with Papa P. Sabi ko na lang, sana kami rin ni Papa P. Yeah, okey lang sa akin basta si Piolo. Sana makapag-guest din siya sa show namin para makasama ko siya.”

Bakit nga ‘di bigyan ng chance na magkapareha sina Piolo at Lara? Magandang kombinasyon ‘yan, huh. At parehong non-committed sa iba ang dalawa, although,  natsitsismis ngayon si Lara kay Marco Alcaraz at si  Piolo naman nanliligaw kay KC. Pero sabi ni Lara si Marco lang daw nag pinaka-close na male friend niya ngayon. Friends lang daw talaga sila.

Sige na nga.

ITINANGGI NI SAM Milby sa presscon ng And I Love You So na nililigawan niya si Maja Salvador. Inamin ni Sam na madalas silang nagte-textan ni Maja at kinukumusta niya ang batang aktres anytime of the day. Pero ‘friendship’ lang daw talaga ang ino-offer nila sa isa’t isa.

Wala ring kamalay-malay si Sam na nagseselos at galit  ang ex-girlfriend niyang si Anne Curtis kay Maja. May source kasi na nagsabi na napa-shit si Anne nu’ng malaman niya na close si Sam at si Maja.

And speaking of Anne,  ipinatanggol ni Sam si Anne na hindi raw lasing ang ex-girlfiend niya  nu’ng maaksidente ito kamakailan.  Pero inamin naman ni Sam na pareho silang nakatikim ng wine ni Anne that night pero konti lang.

After the accident, hindi na raw nagda-drive ngayon si Anne.  Kaya naman natsismis na naman na inihatid ni Sam si Anne sa bahay niya sa Paranaque the last time they were seen together  daw sa Shangri- La.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

7 thoughts on “Piolo Pascual, type makahalikan ni Precious Lara Quigaman by Julie Bonifacio

    • baka naman gusto lang mapalapit ni piolo kay lara para makuha nya yung bf nito hahahahah bading wg mo nang lokohin mga tao si alfie lorenzo mzmo na matanda na sa showbiz nag sasabi na berde kulay mo

  1. lara, wag mong pag ilusyunan si papa p. iba ang type niya. kay marco alcaraz ka na lang at baka tunay na hunk iyon, baka lang. kasi naman pihikan ka, kung si willie, tunay na lalake at mayaman pa. ganyan ang pakipot, ipot ang matitira sau.

Leave a Reply

Your email address will not be published.