Piolo Pascual & Toni Gonzaga: Now We’re Starting Over Again!

Piolo-Pascual-Toni-GonzagaPIOLO PASCUAL
Real Name: Piolo Jose Pascual
Birthdate: January 12, 1977
Zodiac Sign: Capricorn
Symbol: The Sea Goat

Ruling Planet: Saturn

Quality: Cardinal

Element: Earth

Basic Trait: I Use

Closest Metal: Lead

Lucky Day: Saturday
TONI GONZAGA
Real Name: Celestine Cruz Gonzaga
Birthdate: January 20, 1984
Zodiac Sign: Capricorn
Symbol: The Sea Goat

Ruling Planet: Saturn

Quality: Cardinal

Element: Earth

Basic Trait: I Use

Closest Metal: Lead

Lucky Day: Saturday
PAGKARAAN NG mahigit sampung taon ng paghihintay, matutupad na rin ang pangarap ng solid Piolo-Toni fans na mapanood sila sa big screen via the upcoming Star Cinema film “Starting Over Again”. Trailer pa lang, siguradong may perfect blending ng comedy, drama at romance ang proyektong ito. Makikigulo rin sa kanila ang napakagandang si Iza Calzado.
Hindi naman lihim sa lahat na very much committed si Ateh Toni sa guwapitong direktor na si Paul Soriano. Si Papa Piolo naman ay single and ready to mingle. Just in case they’re both single, is there a chance to start something romantic?
Sino nga ba ang mas makaiintindi sa Capricorn kundi ang kapwa niya Capricorn? Parehong pinaiiral nila ang utak kaysa sa puso. Napaka-praktikal at down to earth ng mga taong ito at kakaiba ang kanilang determination. Ina-apply nila ang ‘slowly but surely’ approach pagdating sa karera. Well, kitang-kita naman natin ito sa pinagdaanan nina Piolo at Toni bago sila naging in-demand talents ng Dos, huh!
Kapag nagsanib-pwersa ang dalawang Capricorn, walang paltos na magsu-survive at magsu-succeed sila, whether ito’y usaping negosyo, pamilya o pag-ibig. Kung minsan ay mabagal ang pag-usad ng kanilang mga galaw, pero sureball na very good ang results nito. Ang mga Capricorn ay magaling magtago ng kanilang feelings at dahil dito, maaaring maging boring ang kanilang relasyon. Puwede rin maging hudyat ito ng kanilang pagkasawa sa isa’t isa na kung hindi malagyan ng anghang, maaaring mauwi sa break-up.
Kapag nasa isang romantic relationship ang dalawang Capricorn, kailangan nilang matutunang ihiwalay ang mga responsibilidad sa pamilya , karera at ang kanilang love life. Dapat din nilang um-effort pagdating sa communication. Kung minsan kasi, nagiging ‘too much comfortable’ ang dalawa kaya nagiging boring ito. Hindi palaging masaya ang pagsasamang ito dahil sa sobra nilang similarities, pero hindi ito hudyat para mag-give up, ha? Effort lang sa pag-reach out at pagpapakita ng interes ang kailangan para maging bonggels ang pagsasamang ito.
Aba, parang storyline lang ng ‘Starting Over Again’ ang drama ng dalawang Capricorn, huh? At least alam natin na kahit papaano’y may tsansa naman pala talaga sa love ang softdrink sweethearts na ito. ‘Yun na!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.