Piolo Pascual-Toni Gonzaga movie, hinuhulaang blockbuster din

Piolo-Pascual-Toni-GonzagaHINUHULAANG SASAMPA rin sa P300-M mark ang magiging gross ng Starting Over Again tulad ng na-experience ng Bride For Rent. Tulad ng KimXi movie ay may appeal din sa audience ang trailer ng Piolo Pascual-Toni Gonzaga starrer na sa Feb. 12 na ang showing.

“Pitong buwan naming ginawa ‘to, Ogs,” sey ni Toni, “Sobrang ganda ng movie, dahil kahit kami, naiiyak din sa movie and at the same time, feel-good talaga ‘to.”

 

P70-M na utang ng mister ng dating aktres, dinedma na lang ng pinagkakautangan

 

BLIND ITEM: Kausap namin ang pinagkautangan ng P70-M ng mister ng isang aktres na inactive na ngayon sa showbiz at mas pinili na lamang manirahan sa ibang bansa, dahil sa kinasangkutan ng asawa nitong ubod nang yaman nu’ng araw hanggang sa madawit sa isang isyu.

“Pera lang ‘yon, I have to move on.  Hindi ko na rin masingil, dahil wala namang ibabayad. Talagang gano’n, eh. Deadma na ‘ko.”

“P70 million, deadma lang?”

“Yes, deadma na. Pera lang ‘yan.”

Juice ko, sana, ibinigay na lang sa mga charitable institutions, ‘no?

Hehehe.

 

‘WAG N’YONG kalilimutang panoorin at makinig sa “OMJ” showbiz program namin ni MJ Felipe sa DZMM Teleradyo tuwing Sabado, 9-10pm at mapapanood din sa Destiny Cable Ch. 25 at SkyCable Ch. 26 para sa nakakaaliw na balitaktakan at talakayan tungkol sa mga kaganapan sa showbiz.

Meron ding live streaming (na puwede ring i-download) ang “Buzz Ng Bayan” online, just log on sa www.tfc.tv, 2-3pm every Sunday at siyempre, ang kagagahan ng inyong lingkod naman ang hahataw at hihirit ng mga showbiz chika.

Alam na, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.