Piolo Pascual, tanggap na pana-panahon lang ang kasikatan

PINANGARAP NAMAN talaga ni Piolo Pascual ang kasikatan na kanyang narating. Pero kahit siya mismo sa kanyang sarili ay hindi niya ine-expect na mararating niya ang init ng popularity na kanyang naranasan, lalo na nu’ng panahon ng loveteam nila ni Judy Ann Santos. Pero klaro para sa kanya na pagdating ng panahon, lilipas din ang kanyang kasikatan. Kaya nga sobra niyang minahal ang kanyang career at ipinagpasalamat ang nakuhang suwerte sa showbiz.

Tanggap ni Piolo na pana-panahon talaga ang kasikatan ng mga artista. Marami na siyang nakitang kasikatan sa showbiz na lumipas din. Alam niya noon ang kasikatan nina William Martinez at Gabby Concepcion. Nu’ng pumasok si Piolo sa That’s Entertainment ni German Moreno ay nasa kainitan ang popularity nina Sheryl Cruz at Romnick Sarmenta. Huli man dumating ang kasikatan ni Piolo ay nagtagal iyon at kinilala siyang mahusay na actor.

Nalulungkot lang si Piolo, dahil sa mga panahong ito ay parang ang dami-daming gusto siyang hilahin pababa. Nananahimik lang naman siya, pero ginagamit ang mga pangalang Coco Martin at Richard Yap para sabihing sila ang nagpabagsak sa kasikatan ng dating kapareha ni Juday. Mabuti na lang at nakatapak sa lupa ang mga paa nina Coco at Richard, dahil wala silang ilusyon na sila na nga ang nangunguna ngayon sa kasikatan.

 

MARAMI ANG masaya sa pagpapakasal nina Ai-Ai delas Alas kay Jed Salang, dahil matagal din namang inambisyon ng comedy concert queen na maikasal siya. Sinuwerte lang din kasi si Ai-Ai sa kanyang career dahil sa kanyang kasipagan, pero matagal din ang kanyang naging kalungkutan na sa pagtataguyod ng pagpapalaki sa kanyang mga anak ay wala talaga siyang katuwang para sabay nilang mapalaki ang mababait niyang mga anak.

Nagkaroon din naman si Ai-Ai ng mga lihim na pakikipagrelasyon dati. Kaya lang, hindi talaga mawala sa likod ng kanyang utak na parang sa mga pagkakataon na nagmamahal siya ay nagagamit lang naman siya ng mga lalaking nagkakaroon ng kaugnayan sa kanya. Ilang beses din siyang nakipagrelasyon sa mga sobrang bagets na kalalakihan, na ang ending lang pala ay ginagamit nga siya para mapansin, dahil gusto rin pala nilang umentra sa showbiz.

Dati-rati, pakiramdam ni Ai-Ai nu’ng wala pa si Jed ay naghahanap siya ng tunay na kaligayahan bukod sa kaligayahang naibibigay ng kanyang mababait na mga anak, dahil napakasaya nilang pamilya kahit walang kasamang tatay sa loob ng kani-lang tahanan. Mabait at mapakisamang tao sa showbiz ang sikat na komedyana, kaya kahit marami ang hindi nakakikilala nang lubos kay Jed ay walang may lakas ng loob na kumontra ngayon sa kaligayahan ni Ai-Ai.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

20 thoughts on “Piolo Pascual, tanggap na pana-panahon lang ang kasikatan

  1. kumpara naman sa iba si Piolo may Pera na,parami pa nang parami ang Pera  nya,kasi nga Sikat pa sya,yong iba dyan ngayon palang nag kaka datong at sumisikat.

  2. ano naman ang masama kung bekimon si piola? at least talented, mabait at respetadong tao, hindi nananapak ng ibang tao.

    • KORAK! NASISIRA LANG NAMAN SI FAFA FI KAPAG MAY GIRLALU NANG NAI-INVOLVED. SO, STAY SINGLE NA LANG AT WAG NANG DUMIKIT SA MGA GURLS.

  3. in fairness nman k mama p, sikat padin nmana za…madami parin zang fans na patay na patay sa knya,..palagi prin full packed mga mall shows nya at higit sa lahat diza napabagsak ng isyu ng hiwalalayan nila ni kc nuon khit ngngangawa pasi kc na inakala nating katapusan na ng carrer nya….pero sana mama p. stop muna ang pnggagamit ng girls sa showbiz…stop muna ang pgpapacute kc sa 22o lang mdyu nakaktakyut ka ng tignan kc blglang tumanda na tlaga ang itsura mo, nawala naung dating kagwapuhan mo… mukha kpng matanda kina gary v. at  martin. pati k cesar m. kc cla wala png mga kulubot wile c mama p, e kitang kita na kulubot ng noo nya laluna ngaun ang payat  nya…sa ASAP  at ASD  ang tigas na ng mukha nya at prang bato2 nrin face nya andami kanto….tpos sinasbi ngmga fancita nya ang gwapo2 padaw khit kitang kita na katandaan sa face nya…mga bulag ata mga  tangengot!!

      • bkit dikaba agri teh? punta kadun sa facebok ng ASD andami din ngsasabi dun na matanda nanga c mama p…oo nga pala teh diba tga US ka,…wala kabang balita dyan kung ngkita ng secretly c mama p. at mark b. dyan kc naintriga ako kunbat ng mpunta dyan c mama p. 4 his shows dyansa US wd pokie nd angeline quinto nawala din atda same time c mark b. at missing in action za… khit mga kasama nyasa sa PP edi alam kun nasan za,,,ediba dpat alam ng staff kun nasan za kc mgpapaalam zang di aatend ng PP pero wala e dinila alam…..2weeks un dasame time na nasa US din c mama p….at nung bumalik nasi mama p. sa pinas bumalik nadinza….odiba wat a coincidence?   pakiamoy monalang teh….hintayin ko  sagot mo… 

      • AY DI AKO TAGA U.S. TEH, PERO MARAMI AKONG BEKI FRIENDS DOON NA NAKIKITA KO RIN MINSAN PAG NALILIGAW AKO DOON. TLGANG SILA’Y MGA PIPING SAKSI SA MGA “AKTIBIDADES” NG ATING MGA HUNKY HUNKS DOON. NABALITAAN KO NGA ANG CHIZMAX NA YAN NA BIGLA RAW NAWALA AT NAGKITA DAW SOMEWHERE. KASO WA AKONG RELIABLE INFO. JUICE MEH, I DON’T BLAME FAFA FI HA. ANG HOT NA NGAYON NI “LIGO SARDINES” LALO NA DOON SA PUBLICITY PHOTOS NG “FULL MONTY” STAGE PLAY. ANG NAKITA NG MGA BFFS KO DOON EH SI PRINCE STEFAN AT YUNG GURANGERS NA BALITANG JOWA NYA.

      • ganun ba teh, akala ko tga US ka, pra kcng my kadebate ka non na tga US din nkalimutan konalang kunsino un….meron kcng iba samga ngcocoments d2 na tga abroad daw cla at pataasan ng ihi….anyway pgmy naamoy ka chika monlang saken heheh…. oo nga teh delicious looking tlaga c papa mark b. ngaun kya cguro lalong nglalaway c mama p. saknya…minsan nga prang mgjkahawig na cla e….pero ngaun mukhang mas gwapo pasi papa mark k mama p. kc nga tumanda na itsura ni mama p….

  4. Piolo Pascual is a good actor, tahimik na tao. Hindi nmn cya mayabang cgro. Kung isang beki man cya, wag na lang natin pakialaman yun. Ala na tayong magagawa dun kung yun ang pagkatao nya. Ang importante cgro nabibigyan ng magandang panoorin. Napapasaya nya ang kanyang mg fans. 

  5. Sikat na Sikat padin si papaP noh, kahit marami na syang kalaban,tapos kumpara sa iba may na ipon na sya at  syempre pwedeng pwede isabay sa kahit SINONG Actor pa dyan noh.

  6. Basta ako..nakay  PapaP na lahat,marunong kumanta,umarte,mahusay sumagot pag may tanong sa kanya,mahiyain lang sya pero marunong kahit papa anong sumayaw… basta the best ka para samin…!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.