PIOLO PASCUAL, SUPER ASIKASO SA PICTORIAL NI KC CONCEPCION

LAST THURSDAY, FLY kami to Cebu City for the Philippine International Cosmetologists Association Regional Competition. Hindi kasama si Fanny Serrano that day dahil may pictorial pa siya sa Subic Bay with KC Concepcion. Pero kahit ngarag at pagod sa maghapong pagtatrabaho, sumunod pa rin si TF sa Cebu. Kahit late night na siya nakarating sa Cebu Parklane International Hotel kunsaan kami naka-check-in, happy ang beauty icon sa naging resulta ng pictorial nila ni KC para sa isang glossy magazine.

Ayon kay TF, magkasamang dumating sa Subic sina KC at Piolo Pascual. Hinatid lamang daw ni PJ ang dalaga. Maraming fans ang nakakita sa pagdating nila sa hotel kung saan naka-check-in sina Fanny at production staff ng Metro Magazine. Kinilig ang mga ito habang sweet na pinanonood ang kanilang idolo. Super asikaso raw si PJ kay KC habang pinanonood ang nasabing pictorial ng dalaga, pero hindi na nagtagal ang binata at nagpaalam na ito sa dalaga. Kailangan bumalik na raw ni Piolo sa Manila dahil may important meeting pa siya.

Super successful ang Cebu Regional Competition last February 18, held at Ayala Activities Center sa pangunguna ni President Jun Esma. Hinangaan at pinalakpakan ang hair exhibition ng beauty icon na si Fanny on stage, same with beauty expert from Manila na si Edwin Samot. Ang mga nanalo ay makikipagtunggali sa PICA National Competition on February 22 at 23 at Mall of Asia, Convention Center.

Nakilala rin namin ang girlfriend ng ex-husband ni Karla Estrada na si Cheryl Zoleta na taga-Cebu at pinsan ni Chito Alcid na siyang sumundo sa amin sa Mactan airport. Long distance love affair raw ang kanilang relasyon at twice a month lang sila nagkikita ng kanyang boyfriend.

Ayon kay Cheryl, may selos factor pa rin siya kay Karla. Hindi siya sigurado kung seryoso nga ang ex-husband ni Karla sa kanya. Naloloka nga raw siya sa relationship niya sa married man dahil hindi pa naman legal ang pakikipaghiwalay nito kay Karla. To think na pareho silang hiwalay sa asawa.

MAY SARILING NEGOSYO ngayon si John Prats. Sa sariling pagsisikap, nakapagpatayo ng printing business.

“May dad suggested this business, kasi ang dami niyang kailangang ganoong materials. Extension business niya ito, so, ito ‘yung ginawa ko. Lahat ng clients niya, sa akin napupunta hanggang magkaroon ako ng sarili kong clients,” sey ni John.

Unang naging client ni John ang may-ari ng Bench na si Ben Chan kung saan endorser din siya. Nag-umpisa muna siya sa maliliit hanggang naglakihang advertising materials ng Bench. “We print mga billboards, mga large format na pictures, outdoors at indoors. Iba’t iba ‘yung ipini-print namin, even stickers sa floor, lahat basta advertising.”

‘Yung naipon ni John sa pag-aartista ang ginamit niya para makapagsimula ng negosyo. “Malaki ‘yung capital dahil ang printing machine ay nagkakaha-laga ng three million pataas. You have to invest sa mga machines, kasi, ‘yun ang bubuhay sa negosyo mo. May ink pa ‘yan at kaila-ngang bayaran mo ang iyong mga tauhan ng tama sa dapat nilang kitain. Marami pa kaming gustong bilhin para lalong lumaki itong negosyo. Kailangan kasi palagi kang update kung ano ‘yung latest na machine sa printing para lalong dumami ang clients, ‘di ba?” sabi ng actor.

Inamin ni John sa simula medyo nahirapan siya, trial and error and then eventually natututo na raw siya. “Sa ngayon medyo nag-a-adjust pa kami, hindi pa namin alam kung papaano iha-handle ‘yung mga scheduling, pero magiging maayos din ang lahat. Last year lang kami nagkaroon ng delivery truck. Dati kasi nagdi-deliver kami naka-motor lang, pero nga-yon mas safe na kasi may delivery truck na. Ang ink, ang mahal, ‘pag nasayang lugi agad! Pero ngayon mas maayos na naming naga-gamit.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

One thought on “PIOLO PASCUAL, SUPER ASIKASO SA PICTORIAL NI KC CONCEPCION

Leave a Reply

Your email address will not be published.