Piolo Pascual-Sarah Geronimo movie, kumita sa P15-M sa opening day

Sarah-Geronimo-Piolo-PascualPAGKATAPOS HUMATAW sa takilya ng pelikulang Just The Way You Are nina Enrique Gil at Liza Soberano, heto’t milyun-milyon diin ang kinita sa opening day ng The Breakup Playlist na pinagbibidahan naman nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo. Kumita ang pelikula ng P15-M sa pagbubukas nito sa mga sinehan nu’ng Miyerkules, July 1.

Kaagad namang nagpasalamat sa moviegoers sina Sarah at Piolo nang mag-guest sila nu’ng Wednesday night sa Aquino & Abunda Tonight. Kung hindi kami nagkakamali, P12-M lang ang kinita sa first day ng Starting Over Again nina Piolo at Toni Gonzaga, kaya lamang ng halos P3-M ang The Breakup Playlist.

Hindi nga malayong ma-duplicate o baka malampasan pa ng Piolo-Sarah movie ang Piolo-Toni noon. Kapag nagkataon, malamang na si Piolo ulit ang maging Box-Office King next year at si Sarah naman ang Box-Office Queen. Bongga naman!

Halatang ganadung-ganado ulit sa kanyang showbiz career si Piolo, dahil sa magagandang nangyayari. Kung dati, may plano na siyang mag-lie low sa showbiz dahil sabi niya, very uncertain ito. Ngayon ay bumalik ang sigla at enthusiasm ng actor to do more projecs.

In fact, may gagawin ulit siyang teleserye sa ABS-CBN. Hindi lang naming alam kung sino ang makatatambal niya, huh!

Congratulations Piolo, Sarah, at sa team ng Star Cinema.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

10 thoughts on “Piolo Pascual-Sarah Geronimo movie, kumita sa P15-M sa opening day

  1. Lokohin nyo lelang nyong panot flop ang movie na ito anyways sanay naman ang starcinema sa padding system magaling sila dun

  2. Ay naku…nahiya pa kau…sana ginawa n yung 100 milyon…star cinema at ebs…kahit di naman totoo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.