Piolo Pascual, sanay nang mapikon sa bashers

Piolo Pascual,

Piolo Pascual,

Medyo na-brother si Piolo Pascual sa kanyang naging statement tungkol kay Liza Soberano na ang mga fans at supporters ng dalaga ay nag-react at ngayon ay bina-bash siya sa social media.

Sabi ni Papa P. “Na-bother ako just a last few days,” panimula niya. Kaya siya bumalik sa kanyang Instagram account dahil may isang nag-react sa statement niya na: “Inaaway ako kasi I think my answer was taken out of context parang sinasabi na gusto ko raw si Liza kasi bata, ganito, ganon, sabi ko you know what hindi naman ako ganon magsalita eh. ‘Yung mga walang magawang netizens na would just say things na hindi nila iniisip na masakit minsan mapipikon ka talaga eh,” pahayag niya sa contract signing niya sa maulang Linggo para sa pelikulang gagawin niya sa Regal Films, kung saan si Yen Santos ang kanyang makapapareha.

Sinabi ng aktor na ipinarating na rin niya ang kanyang paumanhin sa kapartner ni Liza na si Enrigue Gil.  “Nag-sorry ako kay Liza at kay Quen, kasi nga sabi ko hindi ako mandadawit ng ibang tao para sa ikakaunlad ng career natin, sabi ko. Pero hindi ako manyak. Minsan ‘yung mga tao, walang-wala sa lugar mag-isip eh, ‘di ba? Tapos ‘yun pa ‘yung pini-pick up nila.”

Maging ang kontrobersiyal na photo nila ng anak na si Iñigo na naging viral sa social media, kung saan nahilig ang ulo ng anak na natutulog sa kanyang dibdib na binigyan ng malisyosong interpretasyon ng publiko ay nagsalita na rin ang aktor para linawin ito. Nasanay na rin ang aktor sa kaliwa’t kanang bashing sa kanya ng publiko na halos lahat ng akusasyon naman ay walang basehan at katotohanan

Sa katunayan, isa sa celebrities natin sa showbiz na nasa top 5 si Papa P. na subject ng haters at bashers sa social media.

Pahayag niya, “I’m used to it. Nakapipikon but you know the saying, ang pikon, talo. Sa tagal ko rito, papatol pa ba ako? So you just take the higher road and choose your battles. My son and I didn’t see each other for two months as I studied in London then went to the U.S. Kung ganun kami ka-affectionate sa isa’t isa, ‘di mainggit na lang sila, ‘di ba?” Tama!

Dahil sa haters at bashers kaya ayaw ni Papa P. na tumutok sa kanyang social media accounts.

In short, keri ng buhay niya na wala ang Facebook, Instagram, at Twitter na for almost three months ay nag-rest muna siya sa social media.

Pero dahil isa siyang sikat na celebrity at hindi maiwasan na kailangan ni Papa P. na maging aktibo sa kanyang social media,”Because of my work and because of my contractual obligations sa mga endorsements ko. Naka-private na nga ako eh, gumawa ako ng bagong account, pero sabi nila kailangan mo sa trabaho ‘yan, that’s part of your job, that’s part of your promotion, ‘yun bumalik ako, ang sarap sanang iwanan pero ang hirap. Pero dasal na lang siguro at block na lang.”

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

One thought on “Piolo Pascual, sanay nang mapikon sa bashers

Leave a Reply

Your email address will not be published.