Piolo Pascual, pinahihinto na si Iñigo Pascual sa pag-aartista?

Inigo-Pascual-Piolo-PascualEWAN KO kung seryoso si Piolo Pascual sa sinabi niya na kailangan nang bumalik ng anak na si Iñigo Pascual sa Amerika para ipagpatuloy ang pag-aaral nito. ‘Di nga ba’t there was a time sa showbiz career ni bagets na naging isyu na pinahihinto siya ng ama na mag-artista at the time na nagbabakasyon siya sa ‘Pinas at sinubukan lang niya ang showbiz?

Sa isang press launch ng Sun Life Financial na ini-endorse ni Papa P., si Iñigo ang latest endorser nila. Kumabaga, this time it’s a father and son team of Piolo and Iñigo. Ipinahayag ng ama na edukasyon pa rin ang importante sa lahat. “I want him to finish school before anything else. I want him to be secured,” sabi ni Papa P.

Alam ni Piolo kasi na ang showbiz ay walang kasiguraduhan kaya he want his son to finish school, dahil ito lang ang panigurado, na kapag may edukasyon ka ay secured ka.

Sa event naikuwento ni Papa P na baka hindi na niya ipaaayos ang marka sa kanyang mukha na iniwanan ng aksidente, last year dahil sa pagbibisikleta. Actually, mas nakadagdag ang marka na iyon sa kanyang kaguwapuhan. A more sexier Piolo, ‘ika nga.

Habang pinagmamasdan namin ang mag-ama during the press launch, para lang silang magkapatid. Si Iñigo, puro “Si Papa…” ang bukambibig. Alam mo na Papa’s Boy si bagets. Kapag binibiro siya ng ama, hiyang-hiya ang anak. Sa mga Instagram posting ng mag-ama, kita mo ang closeness nila.

Sabi nga, with Piolo as a “segurista” sa kinabukasan ng anak, secured na sa magiging buhay niya si Iñigo. Naiplano na ni Piolo ang financial security ng anak. At kung mapag-isipan man nito na mag-asawa the next five years, puwedeng-puwede na. “Pero ako muna. Ako muna ang mauuna,” pabirong pahayag ni Papa P.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJames Reid at Nadine Lustre, damage control lang ang photo na magkatabing natutulog
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 106 August 31 – September 01, 2015

No posts to display