Piolo Pascual, pinagbigyan si Marissa Sanchez!

‘PAG NAPAPANOOD TALAGA namin ‘yung Sky Flakes TV commercial ni Jovit Baldivino eh, hindi namin alam kung itinago lang talaga ng kuwelyo niya ang leeg niya o sadyang may hika lang siya, kaya mataas ang balikat niya.

Mabuti na lang, napanood namin siyang umawit sa ASAP XV kahapon. ‘Yun naman pala, may leeg naman pala ang lolo n’yo.

Ano ‘yon, dapat ba, hindi na siya kumain ng naturang biskwit para hindi na mawala ang leeg niya?

KUNG SI SHALANI Soledad na nga ang co-host ni Willie Revillame sa Willing-Willie, so what? Ano’ng problema? Eh, gusto itong bigyan ng chance ni Willie, eh?

May nagsasabi kasi, parang ginamit lang ni Shalani si P-Noy, dahil ang totoo, gusto talaga nitong mag-showbiz.

Ang cheap ng dahilan. Pag-ibig ‘yon, eh. Puso ‘yon. Hindi nga lang nagkasundo nang matagal, kaya nagkahiwalay.

Nagbatuhan ba sila nang masasakit na salita sa print at telebisyon? Hindi naman, ah? Nagkataon lang na high profile si P-Noy, kaya “nabugbog” din sa TV exposure si Shalani.

Kasalanan ba ‘yon ni Shalani? Hindi naman, ‘di ba? So, ba’t sasabihing ginamit lang ni Shalani si P-Noy sa ambisyon nitong pag-aartista?

(Easy ka lang, Ogie. Ang puso mo.)

NAKAKATUWA SI PIOLO Pascual. Ni singkong duling, hindi sumingil sa kanyang guesting sa birthday concert entitled “Happy BreastDay, Marissa Sanchez!” sa Zirkoh Morato on Nov. 27.

“Gusto ko ‘yang benefit show na ‘yan. Hindi na kailangan ang talent fee. Gusto ko ring pagbigyan si Marissa, my good friend. Kaya sana, maraming manood!”

Mukha nga. Kasi, ngayon pa lang, nagbilihan na ng tickets ang mga nagpa-reserve at itong si Marissa, OA sa pagre-rehearse ng mga aawitin kasama ang musical director na si Elmer Blancaflor.

Kumpleto with the band ito. And dancers, dahil bukod sa magaling na singer, alam n’yo bang mahusay ring dancer si Marissa?

Kayo na ang humusga sa Nov. 27. Guest din ang isa pang mahusay na singer at nakakatawa ring si Toni Gonzaga.

For tickets, please call or text 0922-8398877.

Oh My G!
by Ogie Diaz

4 thoughts on “Piolo Pascual, pinagbigyan si Marissa Sanchez!

  1. may naitulong ba si shalani para tumaas ang ratings ng show ni willie? for sure, di aabot ng 2 weeks yang si shalani

  2. walang babaeng nagtatagal kay noynoy kasi nahahalata ng mga naging syota nya na abnormal si noynoy. Buwakang ina mo ABNO magdota ka na lang tutal don ka lang magaling.. ABNO!