Piolo Pascual, parang karne na inilalako ng Star Cinema

Piolo Pascual

Piolo Pascual

Por kilo ba ang bilihan ng karne?

Natatawa ako sa pinag-uusapan ngayon tungkol sa aktor na si Piolo Pascual.

Sa latest movie niya sa Star Cinema na “Love Me Tomorrow” amindado ang aktor na “karne” siya na parang ibinibenta ng Star Cinema.

Yes, sa usaping karne o laman, ibig sabihin sexy o seksuwal.

‘Yun naman daw ang sinabi ng Star Cinema sa kanya na parang sex object siya sa pelikula ng dalawang girls, namely Dawn Zulueta and Coleen Garcia.

Sa role niya bilang si JC na isang playboy na disc jockey, na siya naman kadalasan na nangyayari na ang mga DJ ay mga babaero, to that effect ang role ni Papa P.

Sa katunayan, ang daming mga eksena ni Piolo Pascual sa pelikula na naka-expose at mararamdaman mo ang kanyang kaseksihan.

Si Dawn nga, sabi nito ay nase-seksihan siya sa mga hita ng aktor at very proud nga ang aktres na nagkaroon siya ng chance na makasama ang “Most Wanted Leading Man” sa showbiz ngayon.

“Not all stars are lucky to be paired to a Piolo Pascual,” pagpupuri pa ng aktres sa kapareha.

“Kahit cougar ang role ko sa movie, ok lang. It’s a Piolo Pascual,” pagmamalaki pa ng aktres.

Sa usaping karne, I’[m sure matutuwa ang mga girls at mga feeling girls (read: beki) na pantasya ang aktor sexually.

Sa mga nakapanood na kasi sa mga highlights ng pelikula, bongga raw ang mga love scenes nina Piolo at Coleen na talbog ang mga sex scenes sa mga pelikulang ST (sex trip) nu’n na kung ihahambing ang mga “first” na mga hot scenes ng aktor sa pelikula kahit sabihin na ang unang sexy film ni Papa P. na “Lagarista” noon na naglunsad sa kanya as a leading man ay matindi at mainit din ang mga eksena.

Pero may pahabol na gustong bumili ng 3 kilo-lilibugan sa kabuunan ni Papa P., isang kilalang aktres na very liberated ang image na nalilibugan sa hairy armpit ng aktor.

I just don’t kung kung pwede si Papa P. sa mga one shot deal na eksena. As far as I know, hindi type ng aktor ang mga one night stand na mga encounter.

Ikaw na nagbabasa ng column item na ito, ano ang bahagi ng isang Piolo Pascual ang trip mo? Ano ang sexual fantasy mo kung si Piolo ang makasasama mo?

Anyway sa Wednesday na ang simula ng pagpapalabas ng pelikula, mula sa direksyon ni Gino Santos.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Piolo Pascual, parang karne na inilalako ng Star Cinema

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.