Piolo Pascual, nilalait si Kiray?!

KAWAWA NAMAN SI Piolo Pascual. Parang minasama ng iba ‘yung sinabi nitong “‘Wag naman. Bata pa ang anak ko!”  nu’ng i-link si Iñigo kay Kiray. Naging magkaibigan na kasi ang dalawa mula nang dumating ang bagets mula sa US.

Pinalalabas pa ng iba na parang hindi kaibig-ibig itong si Kiray at hindi nababagay sa guwapong anak ni Papapi.

Kawawa tuloy si Papapi, dahil mini-misinterpret ng iba ‘yung kanyang ibig sabihin na, “‘Wag n’yo munang bigyan ng lovelife ang anak ko, dahil bata pa siya at gusto kong pag-aaral muna ang asikasuhin niya.”

‘Yun lang ‘yon.

At wala siyang ibig sabihin na “nilalait” niya ang itsura ni Kiray.

 

SI KIRAY PA na nang magsabog ng “confidence” si Lord, siya lahat ang nakasalo. Ganyan ang dating sa amin ni Kiray. Aware si Kiray na ‘yung iba’y napi-feeling-an sa kanya. Feeling niya, maganda siya.

Na parang hindi raw yata aware si Kiray na hindi siya kagandahan kaya ‘wag umastang maganda. Pero hindi naman para panghinaan ng loob si Kiray, eh. Diyan nga kami bilib sa batang ‘yan, eh.

Aminado siyang masang-masa ang itsura niya, pero hindi para masiraan siya ng loob kung makakarinig siya na hindi siya kagandahan. Ang importante roon at dapat manahin ng iba sa kanya ay ‘yung pagkakaroon ng “feeling ganda-ganda-han.”

In short, sasaluduhan mo ang bata sa pagkakaroon ng confidence.

Kaya look at Kiray now, maingay ang kanyang pangalan. Hindi siya ‘yung tipo ng bata na ‘pag tinukso, magdadamdam, magkukulong sa kuwarto. Mas pinatutunayan pa niyang maganda siya at talented siya.

And that’s the spirit.

 

MERONG ISANG NILALANG na dahil wala nang maibatong isyu ay laging inuukilkil ang pagkatalo namin sa eleksiyon. Lagi niyang sinasabi na hindi kasi kami totoo sa sarili at plastik kami, kaya hindi kami nanalo o hindi man lang nakapuwesto.

Gano’n daw talaga ‘pag “bad” ka, hindi ka mananalo.

Hindi namin sinasabing ang “bobo Mo,” pero parang ‘yun ang lumalabas. Ang bobo mo at hindi ka talaga nag-iisip. Kung “bad” kami, eh ‘di bad na rin si Manny Villar na natalong presidente (na ikinampanya pa ng co-host mo) at ‘yung iba pang natalo?

So ‘yung mga kandidatong nanalo na kaya nanalo ay dahil nandaya at bumili ng boto, ano bale tawag mo sa kanila? Good persons ba sila?

Kahit ikaw na bobo, meron ka ring minamanok, pero kung natalo, ‘di ba ipagtatanggol mo at sasabihin mong “mali ng ibinoto ang mga tao”?

Isa ka na ngang “kapirasong tao,” pati ba naman utak, kapiraso pa rin? Ano ‘yon? Dadaanin mo na lang ang mga tao sa kaprangkahan at pa-Ingles-Ingles mo, dahil du’n ka tinangkilik?

So, kung inaangat mo ang sarili mo at sinasabi mong intelihente ka, ba’t hindi mo ginamit sa pag-a-analyze? Utak ang kailangan sa analysis, hindi dila, darling.

Gusto mong papaniwalain kami ngayon na hindi lahat ng Inglisero ay matatalino, gano’n ba? At hindi lahat ng Inglisero, diretsong mag-Ingles? Na me mga Inglisero rin na bulol at nagbabakel din, gano’n ba?

Pakinggan n’yong maigi si Mr. Scientist kung hindi kami nagsasabi nang totoo. Siya ang buhay na halimbawa ng isang latang walang laman, pakinggan mo, maingay lang.

‘Yan din ang sabi sa amin ng isang co-host Mo.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

33 thoughts on “Piolo Pascual, nilalait si Kiray?!

  1. si Kiray nman kasi finiflirt si Inigo!  kabata bata ni Inigo. tama lang si Piolo baka itake advantage ni kiray si Inigo. baka ma rape! hahahaha…

    ayaw nya itong ma corrupt. and we all know batang edad din nagkaanak si Piolo. he’s just being careful!

  2. ang suplado naman ata ni piolo..basta ko gusto ko yung confidence ni kiray. go girl! kesa naman mag-iiyak lang siya!

  3. hoy pendot buang2….mas malaswa ka pah at bastos kasi sa pangalan mo palang…kala mo kung sino kana manghusga…amaw man diay kah….jogo pjud ka ui…kang-aaaaaaa

  4. nung isang araw , nilait nila cristy at mo shalala si kiray. akala mo naman sila na ang pinakamaganda sa lahat. Okey naman si kiray a. talented na bata.

  5. hay naku. di nanlait c piolo nhu, ans sabi nya bata pa ang anak nya at pag aaral muna asikasuhin..ung nega jan mga boboooooooooo talaga di marunong magbasa kunsabagay wala na kasi silang masabing masama kay papa p…..papa is super cute and ang in person tlaga…………….luv kita ng mkita kita sa personal

  6. TUPPERWARE IS NOT MY FORTE , tama ang pangalan mo kasi ang plastic mo!!! Pangit at mahirap kasi si kiray sa tingin ni piolo kaya ayaw nya!!! Subukan mo anak ng presidente iyan e di naiba ang usapan!!! Ang tanga tanga mo talaga!!! your no 1!!!

  7. Kung confidence lang sa beuaty and pag-uusapan walang tatalo kay Hiwa ( Pia) Guanio ng EB, akala niya siya ang pinakamaganda at pinaka talented sa mga hosts eh mukhang katawa-tawa naman siya.

  8. Ogie, ano ang masasabi mo doon sa lakad ni Robin at Mariel sa Vatican ? Mukhang napurnada. WAlang nag-entertain sa dalawa. Hindi umobra ang palakasan ? I need your feedback.

  9. Kung iintindihin nating mabuti, ang ibig sabihin ni Piolo ay bata pa sila. Huwag intrigahin.

  10. may tililing ka pala justin eh!!! Bagay naman kay kiray ang kiray pascual!!! Wow!!! Go kiray!!! inggit lang sila sa beauty mo!!! mga bruha!!!

  11. may tililing ka pala justin eh!!! Bagay naman kay kiray ang kiray pascual!!! Wow!!! Go kiray!!! inggit lang sila sa beauty mo!!! 

  12. Sus Ateng Piolo lumabas ka na kasi eh ladlad na…tama na yung pang uuto mo kay KC maawa ka naman din kay Sharon Cuneta–masisira tuloy ang reputation nilang mag ina–hahahaha!

  13. wala atang mahalukay na issue ang juicy kaya ayan pati yung tapos na e inuungkat..manang mana yang c BOBOMO kay cristy fermin…mas bakla pa ata itong c mo kesa kay ogie hahahahaha!!!!

  14. tumigil nga kayo for acusing piolo na bakla eh ano ngayon ano ang bearing don?kesyo bakla man sya or hindi piolo still piolo and besides may karapatan syang magsabi na bata pa ang anak ko kasi future nga bata ang tinitingnan nya yon lang…

  15. Go Ogie, i always like your comments, and I’m sure napahiya si Bobo Mo dito sa sinasabi mo kasi mautak talaga ang pagkasabi mo sa example ni Manny Villar. Hahahahaha! Good for you!!!! Okay MOve over Moooooooo!, you just look stupid now based on Ogie’s comments.

  16. wag mo nang pansinin ung pandak na un at nagpapansin lng, nahawa na rin ng impaktita nyang co host sa cheap nilang show.

  17. si ogie diaz halatang naka move on na sa pagkatalo sa election. itong si momo ba’t election pa rin ang issue….natalo din ba sia? kalurkey! tama ka ogie, maingay na wala naman laman ang utak. palagi na lang naninira, galit sa mundo…pano kasi bigo sa pag ibig!

  18. nakakaloka si Mo.
    anu na ba ang napatunayan nya bilang isang celeb..?
    ang sarap sapakin…
    pag makikita ko talaga sya, makakatikim na yan..
    mas mabilis pa ang suntok ko sa muka nya kesa sa ingles nya…

  19. at yang si MO na yan… laki butas ilong kala mo guwapo… di na ako kumakain sa TGIF dahil sya endorser negang nega

  20. BAKLA RIN CGURO C DJ MO KC PUMAPATOL SA BAKLANG C OGIE DIAZ. NAKU KUYA OGIE SABUNUTAN MO NA YANG BAKLANG PANGET NA MO NA YAN NG LUMABAS NA RIN ANG KAVAKLAAN NYAN BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.