Piolo Pascual, nilait-lait sa Facebook – Pilar Mateo

WA TALK O comment pa rin ang Piolo Pascual basta tungkol na sa pinag-uusapang relasyon nila ni KC Concepcion ang question.

Iwas din siguro si Piolo na magamit ang nasabing anggulo sa pagsasama nila ni KC sa kauna-unahang teleserye nito na mangyayari sa ABS-CBN-sa Lovers in Paris.

Although, close naman sa puso ni KC ang character na sasakyan niya as Vivian, natuwa ito na muli siyang nakabalik ng Paris for the taping.

Ang na-enjoy nang todo ni KC, sariling pera na niya ang ginasta niya sa pamimili sa Paris dahil nu’ng mag-aral siya, pambayad sa tuition at mga kagamitan sa school at sa renta sa bahay lang ang ipinapadala ng parents niya. D’un siya natuto na gamitin ang abilidad. Maniniwala ba kayo na tatlong trabaho ang pinasok doon ni KC para lang siya kumita ng extra money?

Kung marami ang excited na mapanood ang LIP, marami namang masasamang elemento ang naglipana sa Facebook at sa kung anu-ano pang pahina ng internet na paninirang-puri ang ginagawa sa mga bida nito. Lalo na kay Piolo. Ang bad-bad ng mga panunukso at pagko-kumento nang wala sa lugar!

SOME WEEKS AGO, nakakilala kami ng isang inventor ng pampaginhawa ng katawan sa pamamagitan lang ng isusuot na suwelas sa sapatos na kilala na sa Amerika as Synergy Insoles. At sa pamamagitan ng kasama niyang nagngangalang Annalou Lorenzana, nakilala at naipainterbyu pa namin sa ibang mga kasama sa panulat si John Maher.

Ang pakay ng grupo ni Maher ay mai-distribute rito ang nasabing produkto para rin sa health benefits ng maraming taong mangangailangan nito lalo na ang mga diabetics. Nagawa naman nilang makuha ang distribution sa Cebu.

Pero kelan lang, nakatanggap ako ng katakut-takot na e-mails from Maher. At inirereklamo na ang una, eh, nagpakilala sa amin bilang asawa niyang si Annalou na dati namang umikot sa showbiz circuit pero nawala nang matagal na panahon.

Marami raw kasi ang nag-email at nagtawagan kay Maher at nagtatanong kung sino ang Joanne Lorenzana’ng napanood nila kelan lang sa Master Showman ni Kuya Germs (German Moreno) na nagpo-promote ng kanyang album sa kanyang pagbabalik.

Ayon sa e-mail ni Maher, nagpakilala sa kanya si Annalou, na tinatawag din sa pangalan niyang Aldine, na siya si Joanne Lorenzana at siya ang nag-record ng kanta nitong may lyrics na ‘kung alam mo lang ang pinangarap…’, na siya rin daw nitong sinabi sa mga nakausap nila sa Cebu. At nilinaw din nito na hindi niya asawa si Annalou o Aldine gaya ng pagpapakilala nito sa amin nang muli naming makita.

Nababahala si Maher dahil baka maapektuhan ang kanyang negosyong sinimulan nang ipasok sa bansa.

Sabi sa amin ni Annalou nu’ng ilang beses namin silang natsika ni Mr. Maher, nag-produce rin daw siya ng pelikulang Babae sa Breakwater. Hindi naman ako naka-attend ng presscon nu’n kaya wala akong malay kung trukaret pakbet ang sine-say niya or not.

Papasukin daw ni Annalou o Aldine ngayon ang pagiging talk show host sa isang cable TV with Pete Ampoloquio (na ipinahanap niya sa akin ang number) as her co-host, pati na si Tita Swarding. Na sana naman, eh, hindi rin drawing para sa dalawa naming kasama sa panulat.

Marami pang ni-divulge sa amin sa e-mails niya si Mr. Maher na ikinaloka ko!

So, may impostora si Lorenzana?

The Pillar
by Pilar Mateo

Related Post

loading...

13 thoughts on “Piolo Pascual, nilait-lait sa Facebook – Pilar Mateo

  1. hay naku ewan ko nalng sa mga haters!

    hindi nio masisira si Piolo sa akin. kahit anong panlalait nio at pag gawa ninyo ng mga kasinungalingan!

    mabuting tao si Piolo, responsable at hindi siya gay. wala lang kayong mapintas.

    baka di nio alam naging sila ni Pops, at niligawan din niya si Toni Gonzaga, pero di cya sinagot. kaya hindi siya nag ka GF.

    ang tatanga nio lang talaga!

  2. BAKIT BA TIRA KAYO NG TIRA KE PIOLO? PARA MAYA MASABI LANG?
    NAKAKAAWA NAMAN KAYO, SANA TINGNAN NIYO UNG SARILI NIYO BAGO KAYO MANLAIT KE PAPANGET NIYO NAMAN….

  3. hinihintay kasi ni piolo na maging single si Angel Locsin….
    malamang silang dalawa talaga ang magkatuluyan…kasi sabi ni piolo gusto niya yung maging gf niya yun na talaga mapangasawa niya…….pakakasalan na niya si Angel woooooooooooooooooooow……………………

  4. diyos ko day sa Tate nagpunta sina Piolo,Sam at Angel ang sabi ng isa sa mga alalays nila na kamaganak ko inseparable daw si Sam at Piolo at si Sam kumuha ng cake at nilagyan ng maraming decorations like fruits etc ,akala ng mga tao kay Angel ibibigay yon pala kay Sam,omg ang sweet nila,nakakalokah ,dapat aminin na men ang type nila at hindi sila marunong humalik ng babae,parang nandidiri si Sam kay Bea sa kissing scenes and same with Piolo and Angel sa Lobo.

  5. Ano ba BADING nga yan si Piolo! I saw him at West gate alabang sa isang resto name Poquitomas with sam milby sinubuan nya ng cake si sam EEEWWW!

  6. dati hindi ako naniniwalang bakla sya,i used to liked him, kagwapo kaya ng lalakeng to, i just wondered kung bakit walang napabalitang Gf not even one e antagal na nya sa showbiz,saka ang dami kyang magagandang girl in and out showbiz masyado nman cyang picky..ngaun i belive hes really BAKLa…pag nakikita ko cya ngaun sa TV i wud call him gay hehehe, peace sa mga maka piolo but come to think of it bat wala pa cyang gF till now e nasa 30’s na cya…

  7. pls pakiayos naman ang grammar grabe tagalog na lang ang sinusulat ang hirap basahin parang 5 yrs old ang sumulat ng articles.

    Regarding sa ligawang Piolo at KC, obviously promo lang yan para sa LIP. ang tagal na sa industriya ni Piolo up to now wala pa siyang dyowang babae. magbilang ka pa ng ilang taon maglalad na rin yan tulad ni BB Gandanghari aka Rustom Padilla!

Leave a Reply

Your email address will not be published.