Piolo Pascual, naudlot ang pagre-retire

Piolo-Pascual Piolo-PascualUNEXPECTED ANG pagiging blockbuster ng pelikulang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ng Star Cinema. Pumalo ito nang husto sa takilya at kumita ng mahigit P300 million nationwide for 3 weeks. Overwhelming ang buong cast sa naging resulta ng kanilang pelikula lalo na ang award-winning director na si Olivia Lamasan.

Sa victory party ng nasabing romantic-drama, hindi napigilan ni Piolo ang mapaiyak sa sobrang tuwa nito sa naging success ng pelikula nila ni Toni at Iza Calzado.

“Hindi namin inaasahang kikita ito nang ganito kalaki. Nagpaplano na nga akong mag-retire after this film. Pero sa pangyayaring ito, hindi pa muna,” seryoso sabi ng actor.

Sa ipinakitang suporta ng mga fans nina Papa P at Toni, patuloy pa ring gagawa ng makabuluhang pelikula ang magaling na actor. Hanggang gusto pa raw siya ng publiko, hindi niya iiwanan ang showbiz. Magiging maingat ngayon ang actor sa pagtanggap ng movie project at teleserye. Kung kakayanin ng schedule niya, one or two picture a year at isang teleserye ang gagawin nito. Depende raw ‘yun sa material kung challenging ‘yung role. ‘Yung character na hindi pa napo-portray ng magaling na actor.

Ang balita namin, may follow-up movie agad si Piolo sa Star Cinema. Naghahanap na ngayon sila nang magandang material na babagay kay Piolo at magiging leading lady nito. Depende raw ‘yun sa story, kung sinong mapipili nila na babagay na makapareha ng actor. Super excited nga raw si Papa P., parang nanumbalik uli ang sigla niya nito sa pagtratrabaho.

Hindi man aminin ni Piolo, nararamdaman niyang unti-unti nang nawawala ‘yung dating kasikatan nito na tinatamasa niya noon. Malaki ang naging epekto sa career ng binata at personal life ang mga negative issue na ibinabato sa kanya. Ngayon, pinatunayan ng mga fans ni Papa P., mahal pa rin siya ng mga ito. Palibhasa magaling na actor at seryoso sa trabaho kaya’t hindi nawawalan ng project.

Ang maganda kay Piolo, kahit noon at magpahanggang ngayon, he stayed humble despite the many achievements that he has accomplished since Milan. All praised nga sa kanya si Direk Olive, “Piolo’s professionalism and dedication as an actor never changed. He is a very generous actor who is always hungry to learn new things about his craft.”

Inamin ni Direk Olive na fan siya ni Toni. “She is such a joy to work with. I have always been fan of hers since I saw her in Joyce Bernal’s “D’ Anothers”. She is a great actress as she can do big dramatic scenes and make people laugh hysterically at the same time. Her timing is perfect, Toni always commits to every scene and she becomes the character she portrays.”

Nagsalita rin si Toni tungkol sa movie nila ni Piolo, “Kakaiba ang istorya ng pelikula namin ni Piolo kaya tinangkilik ito ng manonood. Pangalawa lang kaming mga artistang nagsiganap sa success ng movie. Of course, malaking ang naitulong ni Inang Olive para magampanan namin nang tama ang character na pino-portray ng bawat isa.”

Pawang papuri naman ang sinabi ni Papa P. sa multi-media star, “Toni is a beautiful person inside out. She’s very sensitive and she has learned a lot of wonderful things through the years. It’s an awesome experience to work with her because her passion is unbelievable. She loves her craft very much and she loves what she’s doing.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

24 thoughts on “Piolo Pascual, naudlot ang pagre-retire

  1. You’re so good actor PJ and I’m your fan who wished that someday i could see you in person. Hope that it will gonna happen. Also Toni such a great actess. Congratulations to the success of your movie Starting Over Again. Maybe Sarah G. could also fit in your next movie. More power!

  2. MAMATAY KAYO SA INGGIT HAHAHA IBA PAG SI PAPAP ANG NASA BIG SCREEN, KAHIT HINDI SI TONI ANG KA LOVETEAM NYA KIKITA AT KIKITA PARIN ANG SOA. YONG STORYA SWAK NA SWAK KAY PAPAP TAPOS MAGALING PA ANG NAG DIREK, INFERNESS HINDIN PAYAN PANG MMFF AH, PERO SUPER BLOCKBUSTER NAH ANG SOA, CONGRATS PAPAP AT SA TEAM SOA.

    • ang laki ng problema mo sa mundo, ikaw kaya ang umarte siguro mas ahhh uhhmm ang acting mo idagdag ko pa ang ang sagwa at ewwwww! :P

  3. iba ang chemistry nila piolo at toni ang tindi. tama lang na hinintay ni toni si piolo para makasama sa movie ang ganda ng kinalabasan, congrats sa team starting over again!

  4. MARAMING NAKA PAREHA SILA PIOLO AT TONI SA MOVIE, PERO MGA WALA SILANG CHEMISTRY, ANG TONIOLO (TONIPIOLO) ANG PINAKA THE BEST.. KAY PAPAP BUKOD KAY TONI SI JUDAY DIN ANG LAKAS NG CHEMISTRY NILA. SI TONI NAMAN KUMIKITA NGA ANG MOVIE NYA PERO HINDI KALAKIHAN…. NOONG NAKA PARTNER NYA SI PIOLO MAS NAPANSIN ANG GALING NYA AT KUMITA NG WAGAS ANG STARTING OVER AGAIN DAHIL SA CHEMISTRY NG TONIOLO, SOBRA ANG LAKAS NILANG MAG PAKILIG SA TAO AT ANG LAKAS TALAGA NG APPEAL SA MADLANG PEOPLE NI PAPA PIOlO periooooodddd!

  5. Si Toni lang pala ang kayang gumising kay Papa P. Pansin ko, panay ang halik ni Piolo sa leeg at sa ulo ni Toni sa ASAP. Parang takam na takam pero wala siyang magawa dahil taken na.

    • asus e gnun nman c mama p. sa lahat halos ng leading lady nya…lahat hinaharot nya…tignan mo c izza calsado inuumpisahan na nyang harut-harutin kc mgkakasama cla sa tleserye…c mama piola pa eh expert ngayan sa pgpapakilig diba…

  6. pasalamat nlng c mama piola na magandang project ang napunta sa knila ni toniling dokling kundi bka katapusan na tlaga ng knyng career…

  7. Congrats, Piolo! You can’t put a good man down. One advise.. please huwag mo na ituloy ang balak na itambal ka kay Marian “Flop Queen” Rivera. Sayang ang nabawi mong success sa SOA. Marami ng nahilang big stars si ateng pababa. So, please, Marian’s camp, spare Piolo. And that also includes John Lloyd Cruz. Si Dingdong na lang puntiryahin niyo. Aw!

    • tama ka!!i hate piolo but i hate marian more..hahaha.ok pag sila ang pinagtambal,sure flop..then tuloy na ang pagretire nitong si pioloLO…hehehe

  8. basta Piolo kahit sino pa ang partner nya kikita ang Movie + great director +great story ang kalalabasan ay successful yong Movie! i love you Sir Marco <3 <3 <3

    • hindi rin noh? bagay lang talaga sila ni toni kaya kumita ang movie, may FLOP din naman si toni ah? yung WEDDING TAYO, WEDDING HINDI, wala pang 50 million ang kinita,

      • Inggit kalang boba! si Toni ang pelikula nya hindi KALAKIHAN ang kinita noh eto nalang sya naka bawi lalo na itong Startingoveragain because si Piolo ang partner nya Ok,at si Toni din ang nag request kung pweda nyang maging leading man si Piolo kuha mo joy lopez, kikita yang Movie kahit hindi si Toni ang ka partner ni Piolo kahit pa si Pokwang ang ka partner ng IDOL namin kikita at kikita ang Movie bukod kay Piolo ang galing ng Director at ng Writer..
        Ayyyyyy makasigaw nalang ng IIIIIIi Loveeeeeee Youuuuuuu SIR PIOLO! :D

    • Inggit kalang at wala ng masabi engot…. kahit hindi yan Valentine’s kikita yan kahit sino pa ang leading lady ni PapaP basta lang Mahusay ang Director at magaling ang Writer kuha mo.

  9. I LOVE YOU SIR PIOLOOOO :)) hindi pa kami handa at ayaw kapa namin mag Retire, pwede yong iba dyan na grabeng umarte OA na nga eh. kung kaming mga Fans ni Piolo may iba iba kaming manok para maging partner nya, ako dalawa lang ang pinaka bet ko si Juday at Toni, grabeng lakas ng Chemistry pag yan dalawa ang naging leading lady ni Piolo mapa MOVIE OR TV.

  10. Ang ganda ng Piolo-Toni tandem. This would have been a different result if the actress is other than Toni. I love them.

Leave a Reply

Your email address will not be published.