Piolo Pascual, nakiusap na tigilan na ang intriga kay KC Concepcion!

Pakiusap ni Piolo Pascual sa press, dapat daw ay itigil na ang isyu hinggil sa napabalitang pagdalaw diumano ni KC Concepcion sa set ng Noah, ang bagong seryeng pinagbibidahan niya kasama ang childstar na si Zaijian Jaranilla. Nasulat kasing sinabi umano ng batang aktor na dumalaw ang dalagang anak ni Sharon Cuneta sa taping nila.

Naging mitsa ito ng kontrobersiya. Direktor kasi ng Noah si Lino Cayetano na ex-boyfriend ni KC. Kaya ang naging maintrigang tanong—si Piolo raw ba o si Lino ang dinalaw ng young actress-TV host?

Hindi naman pala mismong sinabi ni Zaijian na nakita niyang dumalaw sa set ng Noah si KC kundi narinig lang umano nito sa mga production crew. Kaya nga ang apela ni Piolo—put the said issue to rest.

Sabi pa nga ng aktor, wala naman daw masama kung dumalaw. Kung talagang totoo. Pero wala naman nga umanong gano’ng nangyari.

Si Piolo ang kasalukuyang nali-link ngayon kay KC. Ang director naman niya sa Noah na si Lino Cayetano nga ang ex-boyfriend ng dalaga. Pero hindi umano dahilan ito para magkailangan sila.

In fairness daw sa nasabing direktor, wala naman umano silang issue sa isa’t isa at magkaibigan daw sila.

Sabi pa nga ni Piolo, “I admire the guy. He works fast. He knows what he’s doing. Ngayon ko lang nakatrabaho si Direk Lino and I must say, magaling na direktor. So walang problema.

“More than professional, we’re also good friends. We have common friends. So, okey kami.”

Kahit halos lahat ay iniisip na masyado nang malalim ang namamagitan sa kanilang dalawa ni KC, mariin pa rin sa pagsasabi si Piolo na magkaibigan lang daw sila. Pero hindi naman niya itinatangging mas naging malapit pa raw sila ngayon.

“We’re closer than ever,” ana’ng aktor. “Hindi naman sa amin nanggagaling ang mga isyu, sa ibang tao. Also, we’d like to protect the relationship that we had. So, hanggang gano’n muna ang sa amin.

“KC and I are friends. Hindi naman maikakaila kung anuman ‘yong mga developments sa amin. Lalabas at lalabas din naman ‘yon. But for now, we enjoy each other’s company. If there’s a chance, we go out. And we’re definitely getting to know each other better.

“We just enjoy what we’re doing. If not for showbiz, siguro mas close pa kami. ‘Yon nga lang, mahirap kapag may mga issues na mahirap lusutan. Hindi naman sa sensitive lang but it’s just that kailangan mo lang protektahan ‘yong family, ‘yong ibang taong involve… so mas nagiging sensitive,” sabi pa ni Piolo.

SABI NI SARAH Geronimo, marami raw siyang natutunan kay Judy Ann Santos habang sinu-shoot nila ang pelikulang Hating Kapatid. Kabilang na nga raw rito ang tungkol sa usaping pampuso. Na ang lovelife, hindi umano dapat na minamadali dahil kusa na lang daw itong darating.

Turning 22 na si Sarah on July 25. Nasa hustong edad na kung tutuusin pero parang hindi pa malayang makipag-boyfriend. Feeling din daw kasi niya, hindi pa siya ready.

Sabi raw ng Mommy niya, malalaman na lang daw niya by herself. Kung kaya na niyang dalhin ang kanyang sarili na hindi na siya gullible o vulnerable umano at naniniwala agad sa mga pagpapakilig ng mga lalaki.

Matindi ang pagkaka-link sa kanila sa isa’t isa ni Rayver Cruz dati. Kaya ngayong napapabalitang si Cristine Reyes naman ang madalas na nakikita umanong kasa-kasama nitong lumalabas, hindi maiwasang matanong si Sarah tungkol dito.  Aware naman daw siya about it. At wala naman daw isyu sa kanya iyon.

Hindi rin daw siya nanghihinayang sa tila naudlot ngang pagkakamabutihan nila ng young actor. Ang ganda ng samahan nga nila noon tapos biglang-biglang nawala na lang.

“Nakikita naman ng mga tao na there’s no way na maging committed ako,” ani Sarah. “Bago pa lang ako rito sa showbiz at ang dami ko pang kailangang gawin na trabaho, ang pag-aaral, at ang pamilya. So ang relationship, walang puwang sa buhay ko.”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleZanjoe Marudo, dedma sa pasaring ni Mariel Rodriguez!
Next articleKimeralds, nagrereklamo na naman sa Dos!

No posts to display