Piolo Pascual, muli raw nabuhay ang career dahil kay Sarah Geronimo

Sarah-Geronimo-Piolo-PascualKUMITA NA sa takilya ang huling pelikulang pinagtambalan nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual. Pero huwag namang para lang maiangat ang pangalan ng singer-actress ay sabihing nang dahil sa kanya ay muling nabuhay ang career ni Piolo. Ano ba naman ‘yan? Bago nagtambal ang guwapong actor at ang girlfriend ni Matteo Guidicelli, pumatok din sa takilya ang pelikulang pinagsamahan nina Papa P. at Toni Gonzaga, huh?

Maraming pelikula si Piolo na kumita sa takilya, lalo na sa panahon ng tambalan nila ni Judy Ann Santos. Hindi nga ba’t sobra ang naging pagpapahalaga at pagpapasalamat ng actor sa young superstar dahil sa naging tambalan nila? Mahaba na ang naging pagpapatunay ni Papa P. sa kanyang career, dahil ang dami na niyang nagawang pelikula na lalong nag-angat sa kanyang kahusayan bilang artista. Kaya nga sa showbiz, maraming artista ang gusto siyang makasama sa project.

Oo naman. Hindi na bagets si Piolo, dahil nariyan na nga si Iñigo Pascual na pruwerba na siya ay isa nang daddy. Nitong 2014, dahil sa pagsikat ni Iñigo, lalong nahalata nga na parang biglang nagkakaedad sa hitsura si Piolo. Eh, ano naman ngayon? Hindi naman kasi siya imortal para hindi na tumanda. Pero kahit mawala man ang kakisigan at kabataan niya, hindi na mabubura, na siya ang susunod na Christopher de Leon ng showbiz. Na kapag binanggit ang pangalan, husay sa pag-arte ang kasunod na salitang iyong masasabi.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articlePiolo Pascual- Rhian Ramos movie, closing film sa Cinemalaya
Next articleWally Bayola, nakawala na sa sex video scandal

No posts to display