Piolo Pascual, mahilig kumain

Piolo-PascualVERY PRIVATE as a person si Piolo Pascual. Kung hindi mo pa makakausap ang ilan sa mga malalapit sa kanya, wala ka pang malalaman tungkol sa aktor tungkol sa private life niya.

Sa mga fans ni Papa P. I am sure, love nila ang short info namin sa aktor. We’ve learned na mahilig pala talagang kumain si Papa P. Kapag may work (shooting or taping), my baon siyang sariling pagkain na luto ng kanyang trusted girl Friday na si Moi.

Kung ang ibang artista don’t eat breakfast, ang aktor, takes his breakfast of wheat bread at mas gusto niya ang sunny side up sa itlog na niluluto sa kanya.

Chicken Adobo ang type ni Papa P. Kaya nga for the first time, sa Kris TV he tried cooking his own style of adobo sa tulong at assistance ni Moi.

Sa bagong project ni Piolo with Toni Gonzaga na Starting Over Again para sa Star Cinema, he plays chef na muling babalikan ang GF played by Toni kung saan sa muli nilang pagtatagpo matapos silang magkahiwalay na hindi nalinaw at walang closure, dito iikot ang kuwento.

Mai-in love kaya muli si Piolo sa ex-girlfriend na si Toni na ngayon ay romantically involved na siya kay Iza Calzado who plays his current girl?

Interesting sa amin ang pelikula. Sa trailer pa lang, hindi ka man fan ni Papa P. sa mga rom-com movies niya, I’m sure kahit sino muling mai-in love at manunumbalik ang pagmamahal mo sa isang dati; nawala na maaaring nagbabalik at muli magkabalikan. ‘Yan ang magic ng tunay na pag-ibig.

By the way, sa malapitan, napansin ko na hindi pala black ang kulay ng kanyang mga mata. Hindi rin brown. Parang hazel na may pagka transparent. Mata na hindi kulay pang-Pinoy.

Sa press launch ng pelikula niya na Starting Over Again sa Dolphy’s Theater ng ABS-CBN last week, nakatitig ako sa kanya. Nang mapansin siguro na tinitingnan ko siya sa mata, bigla niya akong tinitigan. Ako ang na-concious. Bigla akong nalito na wala sa timing, bigla akong nagtanong ng katanungan na ewan. Sinagot niya ng ewan ko rin, sabay ngumiti. Tinapik ko na lang siya sa hita.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Piolo Pascual, mahilig kumain

  1. kami pong mga Fans nya ang tingin namin sa Mata nya pinag halong brown and gray , grabeeeee talaga……….. pasigaw nalang ng I loveeeee youuuuuuu piooolooooooo ! :))

Leave a Reply

Your email address will not be published.