Piolo Pascual intentionally ditches Judy Ann’s reception?

NAKUNAN NAMIN NG pahayag si Piolo Pascual sa hindi niya pagdating sa post-wedding reception nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, sa trivia shoot para sa 25th Star Awards for Movies on May 28.

“Ano lang ‘yun, moment nila ‘yon. So, ibigay na natin sa kanila. What’s important is okey kami. I mean, walang loose end, alam mo ‘yun? Hindi katulad dati na walang closure. So, now I’m so happy na natuloy na ‘yung kasal. And I only have best wishes for them. And I think it’s not important for me to be there kasi  hind naman ako vital doon sa history nu’ng dalawa. So, of course, para hindi pagpistahin na rin ng mga tao,” lahad ni  Piolo.

Nagsalita raw kasi si Piolo na kapag inimbita siya ay tiyak na dadalo siya.

“Oo, kung iimbitahin ako pupunta ako, kung wala akong trabaho. I have something else on that day kaya walang chance for me to go. E, ‘yun. Para makaiwas na rin po sa intriga. Ibigay na natin sa kanila, moment nila ‘yun, e,” esplika pa ni Piolo.

Nu’ng Sunday, umalis ng Pilipinas si Piolo papunta ulit ng Paris. This time para paunlakan ang napakalaking karangalan na maimbitahan para sa pelikula niya na Manila sa Cannes Film Festival.

“I’ll be there for a week. ‘Manila’ is having it’s world premiere in Cannes. Super-excited ako that they invited us to be part of the festival. Nakatataba ng puso. First time kong mag-produce, kasi pangarap ko talaga na magkaroon ng dahon ang poster ng mga pelikula ko. Kaya kapag nakikita ko ‘yung poster ng ‘Manila,’ nakikita ko ang mukha ko tapos ‘yung festival sa Cannes, okey na ako,” ngiti ni Piolo.

SPEAKING OF CANNES, habang tinitipa namin ito, nakatanggap kami ng K text ni Ruffa Gutierrez at ito ang nilalaman, “Once upon a time, exactly ten years ago, today (May 12), there was a girl spotted at the 53rd Cannes Film Festival who met a boy. A boy who would later be her husband and the father of her two little angels. For both of them, it was a great, big love. Perhaps the greatest love of all. But their love for each other just wasn’t enough. The fairytale had to end. Now all that’s left are the bitter-sweet memories, two beautiful treasures and hope for a bright, happy future on our own.”

Pero may mga kumakalat ngayon sa e-mail about Ruffa and John Lloyd Cruz na nanahimik ngayon at bising-busy sa pagsu-shoot sa New York ng movie nila ni Batangas Gov. Vilma Santos. Nakatakdang bumalik si Llodyie on May 15. Ewan lang kung makapagbibigay ng clarification ang actor tungkol sa kanila ni Ruffa at nababalitang break-up nila ng girlfriend niyang si Liz Uy, na kasama ngayon ni Anne Curtis sa Spain.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.