Piolo Pascual, hindi muna liligawan si KC Concepcion

GUSTONG PROTEKTAHAN NI Piolo Pascual ang friendship nila ni KC Concepcion.

“Kasi po, ang nangyari, during the course of time, siguro, we just decided na mag-focus muna kami sa show because whatever we say, sasabihin magka-partner kasi, pagkatapos ng show, sasabihin wala na. Gusto kong mag-focus muna ang mga tao sa characters namin and then siguro, it’s better for us to answer that after the show,” esplika ni Piolo nang tanungin kung ano ang reals score sa kanila ng Lovers in Paris leading lady niya na si KC.

“Nagkakasakitan din po kahit paano because of the judgment from different people sa mga quotes namin, sa mga sinasabi namin. Para maprotektahan namin ang friendship namin, I think it’s better na chill muna,” dagdag ng actor.

Mistulang naging guro pala ni KC si Piolo sa taping.

“Everything, from the most basic thing ay itinuro niya sa akin. “Like why is it important na discipline ka sa time. Produkto namin is ourselves, we have to invest time sa sarili mo, sa pakikitungo sa ibang tao. Matagal na siya sa ganitong business. Parang teacher ko siya,” say ni  KC.

by Alex Brosas

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Piolo Pascual, hindi muna liligawan si KC Concepcion

  1. SABI KO NA NGA BA AT PALABAS LANG NI MANAY PIOLO YAN EH .SA TOTOO LANG WALA NAMAN SYANG BALAK LIGAWAN SI KC KASI BAKA KUMIDLAT,DAHIL KABARO NYA.PWEDE BA OBVIOUS NAMANG SI SAM NA TRYING HARD MAGING MACHO ANG TYPE NYA,SI SAM HINDI RIN MAKATAGAL SA BABAE,TALAGANG ANG DUGONG BADING MAHIRAP LABANAN BUBULUSOK AT BUBULUSOK YAN KAHIT ANONG TAGO NILA !!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.