Piolo Pascual, bukas makipagtrabaho muli kay Judy Ann Santos!

NAKASAMA NAMIN SI Piolo sa isang exclusive event kung saan ni-launch niya kasama ang UST High School Batch ‘88 ang “Green Miles” Fun Run event sa The Fort noong Biyernes. Suportado ni Piolo ang proyektong ito kung saan kasama rin ang kanyang kapatid na si Pocholo. Benificiary ng naturang fun run event ang “Save the Marilao River” project at ang foundation ni Piolo na Hebreo 12:21 Foundation.

Ngayon lang namin narinig ang foundation na ito, at nagulat pa kami na si Piolo pala ang namumuno ng grupong ito. “Kasama ko d’yan ang mommy ko, ang mga kapatid ko. It’s a family thing. Tumutulong kami sa mga bata, sa mga nasalanta nu’ng bagyong Ondoy noon, low-profile lang kami pero dahil nga sa maraming nagre-request na tumulong sila sa grupo namin sa mga charity at relief operations namin, kaya siya ang napiling beneficiary ng Green Miles,” paliwanag ni Piolo.

Gaganapin ang naturang fun run sa March 21, 2010 sa SM Mall of Asia Grounds at magkakaroon ng 5K and 10K runs. Excited na si Piolo at hinamon pa niya ang ilang runners na present sa naturang press conference para mag-unahan para sa papremyo, kung saan may mga roundtrip tickets, cellphones at cash prizes pa, sa tulong na rin ng kanilang mga sponsors.

Pinaplano rin ni PJ na imbitahan ang ilan niyang kaibigang celebrities para makisali sa naturang fund-raiser at kasama sa mga pipilitin niyang imbitahan ay si KC Concepcion. “Oo, susubukan natin kung maluwag ang schedule niya, why not?” pahayag ng aktor.

‘Di naman kasi kaila sa lahat na madalas mag-jogging sina KC at Piolo sa UP campus kasama ang kanilang mga kaibigan. “Grupo kami kung mag-jogging,” sundot na komento ng aktor.

Sa ibang balita naman, excited na si PJ sa MMK episode nila ni Bea Alonzo sa darating na Sabado kung saan gaganap siya bilang si Ninoy Aquino sa love story nila ni Tita Cory. Handog ito ng MMK at ng ABS-CBN sa nalalapit na birthday celebration ng namayapang si Tita Cory. Wala naman daw alam si Piolo sa balitang kumakalat na kay Judy Ann Santos daw pala unang in-offer ang role na Cory Aquino bago ito napunta kay Bea. Hindi raw niya alam na may ganoong tsismis pero ang tanging alam niya, e, pagdating niya sa set, si Bea na ang nakaeksena niya. Two parts ang naturang special MMK episode at magsisimula na nga ngayong Sabado ang unang bahagi nito. Watch tayo, ha?!

And speaking of Juday, wala naman daw problema kay Piolo na magtabaho silang muli ni Juday para sa isang pelikula. Natutuwa siya at maayos na ulit ang kanilang relasyon bilang magkaibigan. Sumang-ayon din siya sa naging pahayag ni Juday sa isang interview na hindi sila gagawa ng pelikula ni Piolo kung iintrigahin lang ang kanilang pagkakaibigan. “Oo naman, kasi du’n din naman nagsimula ‘yung lahat ng gulo, e. Kaya tama lang ‘yun (sinabi ni Juday),” pagsang-ayon ni PJ.

MALAKAS AT BIDANG-BIDA ngayon ang primetime shows ng ABS-CBN, ha! Nakatutuwa na nakakuha ng 36.4% rating sa TNS National Survey ang Kung Tayo’y Magkakalayo sa pilot episode nito. Magkakaalaman kung masu-sustain ng programa ang mataas nitong rating gaya ng Tanging Yaman. Ang saya rin ng pagbabalik ng Showtime sa ere. Kaya naman, congratulations sa lahat ng mga Kapamilyang bumubuo ng mga programang ito!

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Piolo Pascual, bukas makipagtrabaho muli kay Judy Ann Santos!

  1. we are always here 4 u PaPa P… isa kang napkabait na tao kaya pinagpapala ka..ano man paninira nila hinding hindi kame maniniwala dahil mahal ka nmen. esp. ng family ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published.