Piolo Pascual, bubuyangyang na sa coffee table book?!

KUNG meron mang inaabangang photo shoot o pictorial ang publiko na gagawin ng dashing hunk actor na si Piolo Pascual, ‘yun ay walang iba kundi ang mas daring shots niya – at hindi lamang hanggang topless with jeans, tulad ng karaniwang ginagawa ni Papa P.

Ang latest, may under negotiation ang Star Magic para sa isang summer pictorial ni Piolo para sa isang bonggang coffee table book. At ang pinaplanong photographer na gagawa nito ay ang bantog at magaling na si Raymond Isaac, no less!

Dito na nga kaya “ibubuyangyang” ni Piolo ang kanyang iba pang “asset” bukod sa kanyang heavenly upper body na tipong nililok ang chest, shoulders, at abs nito? Fabulous din ang kanyang legs.

Sa recent na pag-cover niya sa Men’s Health mag, kita ang kagandahan ng katawan ni Piolo, na alam naming pinaghihirapan niyang ma-achieve sa gym at sa disiplinadong pagda-diet.

Say ng isang taga-Summit Media sa amin (publisher ng Men’s Health mag), ‘yung Piolo cover nila ang isa sa best-sellng issues nila, ganun din ‘yung Dingdong Dantes cover.

Ang nasabing Raymond Isaac photo-shoot ni Piolo ay balak gawin sa Palawan. Siguro naman, kung beach ang location, ga-graduate na si Piolo sa hanggang board shorts na lang. Tuluyan na kaya itong mag-swimming trunks? Ha-ha-ha!

Sa ilang movie and TV appearances ni Papa P, either board shorts or shorts-styled trunks lang ang “limit” ng isinusuot nito. Now, kung coffee table book naman ang paglalagyan ng pix, pumayag na kaya si Piolong mag-skimpy o sexier trunks?

[ad#ad-text-links-1]

That we have to wait and see. May “ipagmamalaki” namang “asset” si Piolo, and he’s not getting any younger, huh! He-he-he!

TULOY NA ANG very first movie ni Claudine Barretto under Viva Films, in cooperation with GMA Films. Ito ay pinamagatang In Your Eyes, directed by Mac Alejandre, kung hindi magbabago.

For the longest time, sa Star Cinema at ABS-CBN natin napanood lumaki – literally – si Claudine. 18 years rin siyang naging Kapamilya and ngayong 2010, nagdesisyon itong mag-ober da bakod at ngayon nga’y isa na siyang certified Kapuso star nang mag-sign ito ng exclusive contract with GMA-7.

Ito nga sana ang pagsasamahan nina Claudine at ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez, pero hindi na nga sila matutuloy at pinalitan na ni Richard Gutierrez si Mark, na busy na sa taping ng Diva with Regine Velasquez and Glaiza de Castro for Kapuso network.

Hindi lang si Chard ang makakasama ni Claudine sa In Your Eyes kundi pati na si Anne Curtis!

Kung magkapatid ang roles nina Judy Ann Santos and Sarah Geronimo sa Hating Kapatid (produced din ng Viva Films), magkapatid din ang roles nina Claudine at Anne sa kanilang new movie – na parehong mai-in love sa iisang lalaki, to be played by Richard.

Sosyal ang plano for the movie dahil two weeks itong partly magsu-shoot sa Los Angeles, California, huh! Talbog!

TALKING ABOUT PINOY films na naglo-location shoot, bilib kami sa producers na ginagastusan ito. Hindi birong mag-shoot abroad para lang sa big stars ng present generation, and they deserve it.

Look at the case of Miss You Like Crazy nina Bea Alonzo and John Lloyd Cruz, na showing na this week. Malaysia naman ang bansang pinag-syutingan nila.

Sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas, iba pa rin ‘yung pag-“escape” ng moviegoers na makakita ng magagandang sites sa ibang bansa, like ang Malaysia nga, for Miss You Like Crazy, at vital naman sa story kung bakit sa Malaysia pa ang shoot nito.

Samantala, hindi pa rin natitinag ang John Lloyd-Bea loveteam with their die-hard fans, mereseng nali-link si Shaina Magdayao kay Lloydie, dahil tried and tested na ang chemistry nila sa big screen. Sa totoo lang.

For comments, please e-mail us at mell_navarro@yahoo.com.ph.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Related Post

loading...

5 thoughts on “Piolo Pascual, bubuyangyang na sa coffee table book?!

  1. for me walang masama dahil alam ko na bading talaga si piolo pascual.. its just dat may iniingatan lang syang disposisyon sa buhay.. i do admire him sa galing nyang patakbuhin ang buhay nya.. tandaann atin may kanya2 tayong kaligayahan na minsan di na kailangan sabihin in public, artista sya kya nya dapat gawin na ikubli ang katotohanan ng kanyang buhay.. ang panget lang kse dito sa pinas eh napakasama na ng tingin kung sakaling bading o lumantad ang isang tao.. look at the hollywood kiber kung bading o hndi ang isang actor but still they gain respect at all..walang masama sa pagiging bading at tandaan nyo ito.. hndi madali ang pagtatago bilang isang bading… ang importante ay malinis ang puso at hangarin mo sa iyong buhay.. yun na

  2. hahaha, sa u.s. pa ang shooting ha? wag nang mag-aksaya ng panahon at pera. sino ba naman ang mag-aaksayang panoorin si claudine? sorry but she is past her time. anong role nya, nanay ni anne o nanay ni richard?

  3. Bakla nman c piolo e, natiringan p nmang my anak na, sbgy sa probinsya nmin isang bading n my asawng babae at my apat n ank di nakapgtataka noh! Sana umamin n c piolo, hehehe! Hy buhay nga nman pg ckat!

  4. Alm nyo s Hollywood tlagang ginagastusan lht ng gagawin n pelikula, dito LNG nman sa atin ang gnito na gustomg tipirin ang produksyon at gustng kumita ng milyones! Gnito tlga mga Pilipino e ang bnsa ntin, kelngan kng sumugal Kung NSA show biznes k pra mlamn m Kung tlgng kumikita k sa artista mo! Nku nman!

  5. Wag na ngang mag-shooting abroad kung hindi rin lang maka-afford na ipa-cordon ang pagshu-shootingan, ‘no? Nakakainis panoorin ang mga taong tumitingin sa mga nag-aacting. Nagpapahalatang wala talagang pera ang mga media companies na ‘to. Humingi kayo ng datung sa PLDT group. lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.