Piolo Pascual, ayaw paligawan si KC Concepcion kay Jericho Rosales?!

SA EVENT NG Cinema One ay nakausap ng Pinoy Parazzi si Piolo Pascual habang naglalayag ang yate para sa cruisin’ ng aktor. Unang itinanong sa binata si KC Concepcion. Ayon sa aktor gusto raw niyang makasama this coming Valentine’s Day si KC. “Wala lang gusto ko lang siyang makasama,” tipid na sabi ng binata na umiiwas pag-usapan ang dalaga ni Sharon Cuneta. “Gusto ko kasing magkaroon kami ng privacy. Actually parang may mali nga du’n sa ginawa ko nu’n nung aminin ko in public na nililigawan ko siya. Para tuloy nagkaroon kami ng ilangan sa isa’t isa which is hindi naman dapat.”

Ayon kay Piolo mas gusto niyang maging malapit sila ni KC nang walang media. “Mahirap kasi kapag nalalaman in public parang hindi na kayo makakilos nang maayos.”

Sa kabilang banda natawa na lang si Piolo sa naging pahayag ni Jericho Rosales na hindi niya liligawan si KC kahit magkasama sila ngayon sa isang pelikula. “Sinabi ni Echo ‘yun? Ha-ha-ha!”

Inamin ni Piolo na may communication sila ni KC, pero never daw niyang kinausap si Jericho na huwag ligawan ang aktres. “No, hindi kami nag-usap ni Echo. Siguro kaya niya nasabi iyon, kung totoo ngang nag-comment siya nang ganu’n dahil ever since ay magkaibigan na talaga kami,” pagdidiin ni Piolo sa amin.

MARAMING KUWENTO SI Gabby Concepcion tungkol sa bagong pelikula nila ng anak na si KC Concepcion na sa kauna unahang pagkakataon ay magkakasama sila. Ayon kay Gabby excited daw siya sa nasabing movie lalo pa’t makakasama nila si Jericho Rosales.

Maraming gagawing paghahanda si Gabby sa movie nila ni KC at ang isa na nga rito ay magkaroon sila nang mahabang bonding ng anak na dalaga dahil sa nasabing pelikula ay mag-ama sila. “Nakakatuwa dahil siyempre makakasama ko si KC, pero nakakanerbiyos din dahil first time na mangyayari ito.”

Masayang nagkukuwento si Gabby sa kung anong istorya meron ang I’ll be There for You, pero bigla itong nairita nang itanong ng Pinoy Parazzi ang naganap na pagbabati nila ng dating manager na si Mommy Rose Flaminiano.” Naku, naku ayokong pag usapan muna iyan,” ‘yun lang ang nasabi ng aktor at sinabayan na ang talikod.

GALIT NA GALIT si Chokoleit sa akusasyong adik siya sa drugs. Usap-usapan na gumagamit daw ng ipinagbabawal na gamot ang komedyante. “Alam mo hindi nakakatuwa ang balitang iyan dahil apektado ako talaga. Imagine pagdating ko sa bahay, tinanong ako ng kapatid ko kung adik ba raw ako at gumagamit ng drugs? Imagine, ngayon pa ba ako magda-drugs?”
Sinabi ni Chokoleit na pumapayat daw siya dahil over work at hindi dahil sa gumagamit siya ng shabu. “Oo, adik ako sa work pero hindi sa drugs.”

Gusto raw sampalin at awayin ni Chokoleit kung sino man ang nagkakalat ng pangit na balita sa kanya. “Pangit na nga ako, pangit pa rin ang balita. Ano ba ‘yan? Kung sino ka mang nagkakalat ng balitang iyan, mahiya ka sa balat mo. Mahiya ka sa sarili mo, dahil nakakasakit ka na ng damdamin. Hindi mo ba iniisip na may sinisira ka?

Sa kabilang banda, hindi raw insecure si Chokoleit sa tinatamasang kasikatan ngayon ni Vice Ganda. “Pana-panahon lang iyan. Tsaka tama lang na siyempre may lumabas ding bago. Wala, walang problema sa akin iyan,” pagwawakas niya.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

7 thoughts on “Piolo Pascual, ayaw paligawan si KC Concepcion kay Jericho Rosales?!

  1. In 1961, when Liberal Party standard-bearer Diosdado Macapagal was in the midst of a victorious presidential campaign, today’s presidential aspirant Manny Villar Jr. was 11 years old and living with his large extended family in a rented three-story corner house along Tondo’s main tree-lined boulevard, Moriones Street.

    Villar’s father, Manuel Sr., was a US-educated Philippine government budget officer and his mother was an enterprising fish dealer, one of a privileged few with a choice stall in Divisoria market, one of Manila’s busiest.

    By that year, Evelyn Villar, Manny’s aunt and Manuel Sr.’s sister, had already been a leading lady in movies produced by the major studio LVN. Evelyn hung out with Rosa Rosal, Delia Razon and other LVN stars at the time, and would occasionally sleep over in the Moriones house.

    It was also a time when, candidate Manny Villar would like voters to believe, his family was almost desperately poor, judging from the songs, rhetoric and political ads that have formed the main narrative of his political campaign.

    “Ako, noong first 11 years of my life, talagang squatter kami noong araw. Lahat, dinaanan ko yan,” the senator said two weeks ago.

    In 1962, as Villar was turning 13, his younger brother Danny, then three, died of leukemia, after his family had already transferred from Moriones to the upscale San Rafael Village in North Balut, Tondo (San Rafael village spans the border between Tondo and Navotas).

    But in a political ad that has stopped airing, Villar claimed that his family was so poor then that they couldn’t buy the medicines that could have saved his brother’s life.

    His critics and political opponents have since challenged the veracity of his claims to childhood destitution, leading Villar and his allies to back track a bit and halt some of the more questionable ads proclaiming his pauper roots, including the now famous music ad about swimming in a sea of garbage and spending Christmas on the streets, as if Villar and his siblings were urchins caroling to motorists.

    The argument about the Villar family’s true economic status has become one of the bitterest bones of contention in this overheated political season, and has led to spirited exchanges in the media and on the web about what constituted real poverty in the early 1960s.

    GMANews.TV has spent the past month trying to get to the bottom of Villar’s childhood poverty claims, interviewing neighbors, family members, and retired and active fish vendors who used to source their fish from Manny’s mother, Curing. She was acknowledged by both family members and her fellow-fish dealers as the entrepreneur in the family, and whom the candidate credits for teaching him the rudiments of business.

  2. masyado kayung bitter kay angel patay na patay kayo sa inggit kay angel. wala namang ginagawa sa inyo. ay kamuhian nyo yung mga bad example sa showbiz. at si angel ay isang magandang ehemplo sa kabataan.

    paano magiging pangit si angel, kahit sa laahat ng angulo ay napakaganda without even trying. wag nyong siraan ang isang maganda.

  3. sana pala si angel nalang ang naging darling ni vic sa ang darling kong aswang, eh mukha naman syang aswang eh… di na kelangan magcostume hahahahhahahahaha….. panget mukhang aswang na timawa hahahha

    • kung mukhang aswang si angel, ano pa kaya itsura mo Maria Grace, baka sa sobrang pangit mo eh natutunaw ang titingin syo, maryosep!

Leave a Reply

Your email address will not be published.