Piolo Pascual, ayaw pag-artistahin ang anak

BLIND ITEM: MUNTIK masuka ang isang girl nu’ng “ipa-sing-along” sa kanya ng isang R&B singer ang notes nito sa kanya.

“Nakakalokah naman kasi. Ang angot ng notes, Papa Ogie! Saka ang dami-dami pang pubic hair, na ‘di bale sana kung amoy-shampoo, eh. Day, ang baho rin!”

Kaya ang ending: “Binatibot” na lang daw niya ang “notebook” nito para matapos na.

Ang naturang R&B singer ay kahawig ng isang bading na talk show host-comedian, pero ang neymsung niya ay kahawig din ng isang talk show host uli.

BA’T KAYA AYAW pa ring tumigil nang isyung nag-aaway kami ni Vice Ganda, kaya iiwan na niya kami?

Nilinaw na namin ang isyu, ang gusto pa ring paniwalaan ng ibang tao ay ang isyu. Ba’t tinatanong pa kami eh, meron pala silang gustong paniwalaan, ‘di ba?

Kalokah!

“Mama, ikaw na nga ang mag-explain, nakakapagod!” Sey na lang sa amin ni Vice Ganda.

Juice ko po, sa totoo lang, wala naman talagang permanente sa mundo. Ang permanente lang ay ang spelling ng “permanente”.

Pasasaan ba’t matutupad din ang wish ng mga fans na gusto kaming paghiwalayin ni Vice Ganda. Hindi pa ngayon. Hindi pa namin maisi-ngit ‘yan sa aming hectic sked.

Ha-ha-ha-ha!

“NAKU, HINDI! HINDI ko siya pag-aartistahin. Gusto ko siyang mag-aral,” sey ni Piolo Pascual nu’ng pasyalan namin sa isa niyang TV shoot.

Sabi nga namin kay Papapi, nu’ng makita namin ang anak niyang nakipag-duet sa kanya sa ASAP Rocks, birthday presentation niya ay parang  ang anak niyang si Iñigo ang local version ni Justin Bieber.

Agad ipinakita sa amin ni Papapi ang picture ng kanyang anak na nagsilbing screensaver niya. Ang guwapo nga ng trese anyos niyang anak, in fairness.

Pero ikakasal na nga ba sila ni KC Concepcion?

“Ha? Sino’ng nagbalita? Not true. Bata pa ‘ko!”

Ha-ha-ha! Ang lakas maka-disiotso ng dayalog na ‘yon, in fairness.

PARA KAY VHONG Navarro, isang experimental ang Bulong, dahil pinaghalong comedy at horror, eh. Eh, si Direk Chito Roño pa ang nagdirek.

“Buti na lang, nakakagulat ‘yung mga eksena kahit nakakatawa ‘yung iba,” sey pa ni Vhong.

Hot na hot ngayon si Angelica Panganiban na lately lang nadiskubre (thru panggagaya kay Kris Aquino sa Banana Split) na isa palang mahusay na komedyana.

Kaya pasok sa banga ang dayalog ni Angelica na ‘pag “bumulong” si Derek ay hindi basa ang tenga niya, “Kasi, dry humalik sa tenga si Derek, eh!”

Nu’ng nag-watch kami ng The Tourist  (starring Angelina Jolie at Johnny Depp) ay ipinakita ang trailer ng Bulong. In fairness, tawanan ang mga tao sa trailer, kaya feeling namin, tiba-tiba rito ang Star Cinema.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Piolo Pascual, ayaw pag-artistahin ang anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.