Piolo Pascual at Yen Santos, magtatambal sa pelikulang kukunan sa New Zealand

Piolo Pascual & Yen Santos

Piolo Pascual & Yen Santos

Naka-schedule umalis next week, Sabado, August 13, sina Piolo Pascual patungong New Zealand para sa shooting ng bagong romance-drama movie ni Direk Dondon Santos para sa Regal Films, kung saan halos doon kukunan ang kabuunan ng pelikula.

Bago ang tambalang na mukhang experimental dahil ang sikat na aktor na si na si Papa P ay ipapareha sa dati na (pero walang presence sa amin), na si Yen Santos na nakailang beses nang nagbida sa mga teleserye ng Kapamilya Network, pero tila walang dating sa kamalayan namin itong dalaga.

Prettty naman ang dalaga, pero mas may presence ‘di hamak sa kanya si Arci

Muñoz na sa unang seksi serye nito sa ABS-CBN ay nakatatak na kaagad si Arci sa kamalayan ng manonood, lalo na ng ga kalalakihan.

Ang bagong tambalan nina Piolo (as Charlie) at Yen (as Angel) sa pelikulang “Once in a Lifetime”, kung saan sa isang tuna cannery sa Queenstown, New Zealand magaganap ang shooting.

Makasasama ni Papa P si Raiko Mateo sa role bilang anak niya sa girlfriend na si Maricar Reyes, habang si Yen naman ay makikila niya as the flight companion of Raiko na siyang nakasabay ng bata sa biyahe nito patungong NZ.

Parang sort of comeback movie ito ni Piolo sa kuwadra ni Mother Lily, dahil minsan na rin palang nakagawa ang aktor ng pelikula sa Regal Films with sexy Joyce Jimenez noong early part ng 2000’s.

Actually, excited si Papa P sa project niyang ito sa Regal dahil noon pa man, gusto na niyang makagawa muli ng pelikula kay Mother Lily.

But with his hectic schedules and commitments sa kanyang Mother Studio (ABS-CBN and Star Cinema), timing lang na dumating ang project na ito na offer ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde sa kanya.

Sa mga nakapanood na ng short teaser ng pelikulang “One in a Lifetime” na si Direk Dondon Santos mismo ang gumawa, hugot at emote daw ang voice-over ng teaser with: “A woman who wants to let go of the past, a man who thought he has moved on, and a boy who wants nothing but to start anew.” Sa teaser pa lang, pak na pak na ang bagong romance-drama film ng aktor.

Pagkatapos kasi ng pelikula ni Piolo with Dawn Zulueta kamakailan, nag-break muna si Piolo at nagtungo sa London kasama sina Jodi Sta. Maria at Dr. Hayden Kho para mag-aral ng almost two months tungkol sa kanilang “faith”, na sabi ng isang kaibigan ay preliminary course daw ‘yun para sa mga may planong maging isang pastor.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.