Piolo Pascual at Toni Gonzaga, excited sa kanilang first movie together

1 Toni-Gonzaga-Piolo-PascualPAREHONG EXCITED sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa first ever nilang pagtatambal sa pelikulang Starting Over Again with Iza Calzado sa direksiyon ng award-winning director Olivia Lamasan under Star Cinema. Una silang nagkasama sa TV commercial, 13 years ago. Pinasikat ni Toni ang katagang, ‘I love you Piolo,’ nasa GMA-7 pa noon ang dalaga bago ito naging Kapamilya.

Matagal nang pinapangarap ni Toni na makatrabaho sina Piolo at Direk Lamasan. Nang malaman niya may movie project sila together ni PJ at si Inang ang director akala nito’y biro lang ‘yun, totoo pala.

“Napatalon ako sa tuwa. Hindi ako makatulog, hindi ako mapakali. Feeling ko, para akong nagsisimula. The project came on the right time. Sabi ko, hindi ako dadaldal sa set for 6 months. Dinadaan ko sa dasal kapag may kukunan na akong eksena. “

Once every 2 years kung gumawa ng pelikula si Direk Lamasan. Sideline lang niya ito dahil ang brilliant director ang Head of the Creative Department ng Star Cinema.

“I can choice the material. I can give the time and effort for the project,” wika ni Direk Lamasan.

Palibhasa puro heavy drama ang kanyang pelikula, gusto naman niyang gumawa ng something romantic and light. First time niyang ididirek si at Toni at happy ito sa kinalabasan ng pelikula.

Maging si PJ gusto rin niyang makatrabaho si Toni, hindi nga lang nagtutugma ang schedule nilang dalawa. Feeling niya, laging may humaharang na hindi nito maipaliwanag. Hindi kasi niya hawak ang oras. Pero worth waiting naman daw dahil sobrang sakto ang kanilang pagtatambal dahil sa ganda ng material.

“Ten years, I don’t want to miss the chance na makatrabaho si Toni at si Inang (Olivia Lamasan). It’s a right material,” sabi ni PJ.

Sinabi rin ni Piolo nahirapan siya sa confrontation scene nila ni Toni, 2 days inabot bago natapos ang eksena. “Dinadaga ako, I ask permission with Direk. In this movie, na-challenge ako with Toni and Direk Lamasan. I’m really scared…” kuwento ni Papa P.

Nang mag-tranfer si Toni sa ABS-CBN, inamin ni Piolo nagparamdam siya sa dalaga na gusto niya ito ligawan. Nag-date sila, nanood ng concert ni Gary Valenciano sa Araneta, kuwento ni PJ. Nagpakatotoo si Toni, that time wala pa siyang alam sa pagpapaganda. Hindi matanggap ng TVhost/actress na magugustuhan siya ni PJ dahil alam niya sa kanyang sarili hindi siya kagandahan. Feeling niya, hindi sila bagay ni PJ bilang mag-dyowa if ever maging sila. Nakakahiya raw, iniisip niya ang sabihin ng mga tao.

Nagparaya si Piolo dahil nagsisimula pa lang si Toni sa kanyang karera as TV host. Ayaw ng actor maging sagabal siya sa mga pangarap nitong makilala at magkapangalan sa movie industry. Ngayon nga, isang multi-media star na si Toni, recording artist, concert performer, at ultimately box-office queen  ng local cinema.

Kahit ngayon lang nagtambal sina Piolo at Toni, komportable ang TVhost/actress sa mga dramatic scene nila ng magaling na actor. Pero pagdating sa kissing at love scene, naiilang ito, asiwa, ‘ika nga.

“Gustong kong umiyak, natutulala ako. Kissing scene, hindi ako komportable. Hindi ko kasi feel, hindi ako nakilala na may kissing scene. Love scene, hindi ko ma-take,” pakuwelang tsika ni Toni na nagpapatawa.

Bago tinanggap ng dalaga ang movie project na ito, alam niyang may love scene sila ni Piolo.

“Kung hindi pumayag si Toni, hindi namin itutuloy ang project na ito,” say ni Direk Olivia Lamasan.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Piolo Pascual at Toni Gonzaga, excited sa kanilang first movie together

  1. Nge may manonood pa ba sa pelikula nitong dalawang laos na ito. Yung babae masyadong mafeeling tapos si Piola nagfeefeeling babae rin.. Naku tigilan nag ako… FLOP TONG MOVIE NATO. Cgurado pading na naman toh … ng ISTER cinema hahaha….

Leave a Reply

Your email address will not be published.