Piolo Pascual at KC Concepcion, tinuldukan na ang intriga!

Ayaw magbigay-komento ni Lovi Poe kaugnay sa pagkakahuli at pagkakakulong ng kanyang boyfriend na si Ronald Singson dahil sa droga. Mahigit sa 26 grams ng coccaine ang diumano ay nakuha kay Ronald. Sabi ni Chavit Singson, nag-away at nagkaroon daw ng pagtatalo sina Lovi at Ronald kung kaya’t nagpunta sa Hong Kong ang anak. Tinangka naming makausap si Lovi subalit hindi nito sinasagot ang cellphone at maging sa mga taong close sa aktres ay ayaw ring magbigay ng pahayag ang dalaga.

“As far as I know, nag-iiyak lang si Lovi last time na magkita sila ni Ronald. ‘Yun lang ang alam ko,” pahayag ito ng isang girl na malapit sa aktres na nagsabi pa ring matagal na raw nagkakaroon ng madalas na pagtatalo sina Ronald at Lovi. “Feeling ko nga ay break na sila,” dagdag pa nito.

Sa kabilang banda, pinagsabihan na raw si Lovi ng kanyang ina na huwag na uling makipagmabutihan ang aktres kay Ronald, dahil noon pa man ay tutol na ang dakilang ina ng aktres sa pakikipagrelasyon nito sa politician.

HINDI NA TALAGA napigilan ni Piolo Pascual ang matinding galit dahil pati ang anak na si Iñigo ay nadamay sa kontrobersiyal na pag-iyak ni KC Concepcion sa programang The Buzz.

Ayon kay Piolo, hindi makatuwirang palabasing masama ang kanyang anak at kaya nitong magsalita ng pangit laban kay KC. Ayon pa kay Piolo, maghahain siya ng demanda sa sino mang mapatunayang may kagagawan ng isyu.

“Actually, kinausap ni Piolo si Iñigo at pinaamin ito kung siya ba ang gumawa sa tweet, pero talagang hindi si Iñigo. Kilala ko ang batang iyon. Seloso nga si Iñigo, pero hindi naman siya bastos at wala siyang kakayahang magsalita ng pangit na bagay sa mga taong alam niyang mahal ng kanyang ama,” sabi iyon ng isang taong malapit kay Piolo, na nagsabi pa ring malungkot na malungkot daw si Piolo nang malaman nitong umiyak si KC sa The Buzz. Sa ngayon, nagkausap na sina Piolo at KC, at kung may problema man ay binigyang-tuldok na iyon ng dalawa.

“Very smooth ang relasyon nina KC at Piolo. Siguro so far, ito pa lang ‘yung pinakamatinding intrigang hinarap nila since nang sila ay maging sila,” tumatawa pang pahayag ng aming kausap sa kanyang pagwawakas.

TAWA NANG TAWA si Eugene Domingo na ikinuwentong kasama pa rin pala siya sa Tanging Ina Mo Rin ni Ai-Ai delas Alas. Nagulat daw kasi ang komedyante sa mga balitang naglalabasan na tinanggihan niya ang nasabing pelikula na sa simula pa lang ay magkasama na sila ni Ai-Ai. Ayon kay Eugene, tinawagan daw niya si Direk Wenn Deramas at inalam kung totoong pinalitan na siya ni Pokwang. Nakahinga raw nang maluwag si Eugene nang malaman niyang kasama pa rin siya sa nasabing pelikula.

“Hay… in pa rin ang beauty ko, ‘no?!” sambit ni Eugene.
Samantala, inamin din ni Eugene na bukod kay Ai-Ai, nais din niyang makasama sa pelikula si Pokwang.

“Feeling ko kasi, mas magiging riot kung makakasama ko siya at lalong magiging delubyo na kung kami pa nina Ai-Ai ang magkakasama. Ibang klaseng lebel na ‘yun!”

NAKAUSAP NAMIN SI MTRCB Chairwoman Consoliza Laguardia at gulat na gulat ito sa balitang one week na lang siyang uupo sa MTRCB at papalitan na siya ni Grace Poe.

“Actually, matagal nang lumulutang ang mga ganyang isyu. Pero sabi ko nga, kung papalitan ako, okey lang sa akin dahil ganu’n naman talaga kapag nagpalit ang administration, most of the time nagpapalit din sila ng mga tauhan.”
Ayon kay Laguardia, igagalang daw niya kung anuman ang magiging desisyon ni President Noynoy Aquino. “Basta ang importante rito, Morly, sa pagkakaalam ko ay nagampanan ko ang aking tungkulin nang maayos.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

6 thoughts on “Piolo Pascual at KC Concepcion, tinuldukan na ang intriga!

  1. ako ay isang biktima ng tv host na baklitang c raymund g. pinic up nya ako sa ortigas sa driver nya sya nagutos na presyuhan ako . ako ay isang college student sa isang universidad d2 sa maynila pagdating namin sa hotel agad nyang tinaggal ang aking damit at pantalon at dali dali nyang chinupa ang aking ti……… at pinauuwetan nya pa ako binubunyag ko lng ito dahil kulang ang binayad nya sa akin na pinag usapan namin ng kanyang driver ay hindi akma sa presyong binayad nya sa akin kyo un nabiktima ng baklang ito lumantad na pumipic up to ng mga gwapo at papable sa kahabaan ng ortigas ako may etsura din

  2. nararamdaman na ni papa p. na malapit na siyang malaos sa dami ng mga baguhang mas bata sa kanya…

  3. sa mga nagcocomment na bakla si Piolo, may proof ba kayo? Naniniwala kayo sa walang kwentang bitter old man na alfie na yan, laking galit kay Piolo kasi bukod sa hindi na nya natikman si Piolo hindi pa nya naimanage ang career sa sikat nga naman ni Piolo malaki nawala sa kanya, ewan ko naman kung sya nagmanage kay Piolo sisikat bakaya yun, eh si Juday lang naman napasikat nya. SOOOOO bitter yang matandang yan, sobrang lungkot nang buhay kaya gustong mandamay, ngayon naman si Luis daw ang bakla galit kay Vilma kasi hindi naharbatan ng pera sa New York kaya please lang sa mga nagcomment na bakla si Piolo kung wala naman kayong proof shut up baka matulad kayo kayo kay Alfie sobrang lungkot ng buhay walang nangyari sa career matagal na sa industriya pero walang narating kasi puro paninira ang kayang gawin hindi tumulad kay Boy sikat at nirerespeto ng lahat.

  4. LAOS NA KASI SI MAMA P! KAYA KAILANGANG MAY BAGONG GIMIK NA NAMAN! WAG NA KASING BABAE ANG IPAREHA, KASI KAHIT ANONG GAWIN NYO, LALAKI ANG GUSTO NYA!!!!

  5. hay naku rustom este piolo pala tama na ksing gimik mo eh, laosian na ksi kya pilit ginagawan ng ingay para maging “relevant” ulit. Si KC nman gimikera din, i guess utos ng abs so may I gimik ang 2 para mapag-usapan nga nman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.