Piolo Pascual at KC Concepcion, pinaglalaruan lang ang mga fans?!

OLA CHIKKA! Naloloka na talaga ako rito sa isyu ng mag-jowang si Derek Ramsay at Angelica Panganiban. Hindi na matapus-tapos ang mga isyu sa kanila. Palibhasa mga insekyora lamang ang mga nanggugulo sa kanila at isa na ako roon. Ha-ha!

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa kaguwapuhan nitong si Papa Derek? Bhuket?! He’s almost perfect! A total package! Wow, English! Pero totoo naman. May looks, may brain, may money at higit sa lahat, may body!

Kaya naman dahil d’yan ay talagang napakasuwerte nitong si Angelica, kaya lang napaka-shunga. Lalo na nu’ng napanood ko sa siya na nag-host sa isang TV show at ayun day! Wrong grammar talaga! Akala mo perfect akong mag-English, ‘di ba?!

Tapos ngayon, ang isyung kayamanan naman. Pera lang daw ang habol nitong si Angelica sa kanyang boyfriend. Eh, itong lovable boyfriend niyang si Derek – hard! As in hard sa pagtatanggol kay Angelica na kesyo mas mayaman pa raw ang girlfriend niya sa kanya.

Excuse me pow! Suwerte lang siya at masipag na rin. Eh, iisa lang ng pinag-aralan n’yang si Angelica at ng anak ko eh, mayaman ba ‘ko?!

Kaya puwede ba, tigilan na natin ang pagpupuna sa kanila. Shunga man o totoong pera lang ang habol ni Angelica, keber natin?! Mahal ni Derek, eh! Kaya kahit lumuhod tayo sa asin o lumunok ng bubog, wala tayong magagawa!

EH, KUNG ITONG si Piolo Pascual at KC Concepcion na lang kaya ang lumuhod sa asin dahil sa patuloy nilang hard na pag-deny sa relasyon nila?!

Eh, mismong sa mga interviews nila, kitang kita na may something, paglalaruan pa mga tao! Naku ha! Pati itong si Jericho Rosales na kasama sa bagong pelikula ni KC ay natanong kung may balak ba siyang ligawan si KC, ang tanging nasagot lamang niya ay malaki raw ang respeto niya kay Piolo. Tungkol kay KC ang tanong, hihiritan mo ng Piolo?! Okay ka lang?!

Kaylan ba naging Piolo ang KC?! Maliban na lang kung pag-aari na ni Piolo itong si KC, kung asawa niya o kahit girlfriend man lang.

Eh, bali-balitang nagli-live in na itong si Piolo at KC. Bakit ba kasi ayaw pang umamin eh, dahil ba sa gustong mapag-usapan o talagang hindi maamin na kahit ipagpilitan ng mga taong maging sila ay wit as in hindi talaga puwedeng magingsila?! Hmmm… bakit kaya?! May naamoy akong malansa! ‘Yun na!

BLIND ITEM: Pitik-bulag! Mahulaan n’yo kaya itong baon kong chikka na mula pa sa karagatan, lumutang-lutang sakay ng isang Yate as in Yatch! Bonggacious! Sino itong all-time Papable actor na naka-windang sa mga press nang ipag-celebrate ang kanyang kaarawan? Bhuket?!

Ayon kasi sa aking Parazzi Girl ay maraming press ang inimbitahan para sa event ng actor na ito, eh alam naman nating lahat na uso ang “Envelopmetal Chuva” as in Cash sa envelope o sige! Kahit wala nang envelope, cash na lang, everbody’s happy na!

Eh, hindi nakiuso itong si all-time Papable actor na kung saan umuwing luhaan itong mga press people, kahit singkong duling walang naiabot sa kanila. Wala na ngang envelope, wala pang cash! Mga ambisyosa kasi kami. Haha! Joke lang!

Sino itong All-time Papable actor na ito? ‘Pag sinabing Yate alam na! Kaylangan pa ba ng clue eh, given na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.