Piolo Pascual at KC Concepcion, ‘di malayong maging lovers

ARE PIOLO PASCUAL and KC Concepcion really playing sweet music together? It seems like the persistent rumor of them being an item will linger on for a while hangga’t hindi sila umaamin na sila na nga talaga.

Lalo pang umingay ngayon ang mga usap-usapan tungkol sa totoong relasyon ng dalawa nang nagbigay ng mga senyales si Piolo when he was asked about KC. Piolo declared that KC made him a better man. “I guess wino-workout mo iyong relationship. You wanna grow up together.” Pero hindi nagpahuli sa bitag si Piolo nang siya ay tanungin kung mahal niya si KC. Personal na lang daw niya itong sasabihin sa dalaga. Si KC na nga kaya ang babaeng ihaharap ni Piolo sa altar?

Sa aking palagay ay naging maganda ang resulta ng pagtatambal nina Piolo at KC sa Lovers in Paris dahil hindi malayong maging lovers din ang dalawa sa totoong buhay. It is said that Piolo has been courting KC for almost a year now. Inamin din ni Piolo that he actually started wooing KC when she was only 18 years old but she left the country to study in Paris. Now, that she’s back (and hopefully for good) ay hindi na pakakawalan ni Piolo ang pagkakataong ito.

According to reports, Piolo and KC have been spotted numerous times together like going to church or diving. Hindi ba’t may lumabas pa nga na balita noon that child star Zaijian Jaranilla told reporters that he heard from the staff that KC visited Piolo on the set of Noah na kanilang pinagsasamahan ni Piolo? Zaijian clarified that he never saw the actress/host on the set which is being shot in Subic. KC, however, denied that she visited Piolo. Hindi naman daw niya kailangang pumunta sa Subic dahil lagi naman silang nagkikitang dalawa.

Dinepensahan nina Piolo at KC si Zaijian sa kanyang sinabi. “Si Zaijian, siyempre bata. Hindi magsisinungaling ang bata. Nagtataka ako kung sino ang nakakita sa akin doon o kung sino ang nagsabi kay Zaijian na nandoon ako,” KC said. Sinabi naman ni Piolo na nagbibiro lang ang bata nang sabihin niyang bumisita sa set ng Noah si KC.

Sa mundo ng showbiz ay dapat matalas ang iyong isip, malinaw ang iyong mga mata, malakas ang iyong pang-amoy at pandinig. You have to read between the lines pero gaya ng madalas sabihin, “Action speaks louder than words.” At kahit gaano mo idenay ang isang balita ay lalabas din ang katotohanan pagdating ng araw.

Kung ano man ang mangyayari sa buhay pag-ibig nina Piolo and KC in the future, we don’t know. Kung talagang sila talaga ang nakalaan para sa isa’t isa ay mangyayari ito. We could only wish them all the best. Both are beautiful people inside and out.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #140: July 21-22, 2010
Next articleComatose na anak ni Malou Barry, pumanaw na

No posts to display