Piolo Pascual at Claudine Barreto, may samaan ng loob?!

HETO NA, MARAMI na ang kinikilig sa sangkatutak na write-ups na nagli-link kina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez.

Saksi ang araw-araw na audience ng Ruffa and Ai na halos mamula sa kapapalakpak ang mga akamay at the mention of John Lloyd’s name sa araw-araw na morning show. Pigil na pigil din ang hininga ni Ai para hindi mahalata na approve siya sa bagong tambalan. Halos ganito rin ang reaction ng live audience sa The Buzz at SNN. Ayaw namang magkomento ng kaibigang Boy Abunda, habang si Kris Aquino, ingat na ingat ding ipahamak ang co-host.

Kung hindi marahil takot ang mga nasa paligid nila kay Annabelle Rama, mas matutuklasan ng Dos ang parami nang paraming gustong itatag na fan club ng bagong tambalan.

May suggestion na nga sila sakaling maisipan ng Kapamilya station na gawan sila ng project. Sayang naman kasi ang sangkatutak na publicity na ayaw paawat tungkol sa kanila. Libreng-libre itong nababasa sa mga diyaryo, movie magazine, lalo na sa internet. Bongga rin ang front page scoop nila rito sa Pinoy Parazzi.

Ang project: Ang Prinsesa at ang Kanto Boy. Remember, Ruffa emerged 2nd princess noon sa isang international beauty pageant. Si John Lloyd naman, ini-enjoy ang pagiging member ng Kantoboys sa ASAP.

Sa isang press interview, mga film critics ang nagsa-suggest sa mga nasa likod ng Maalaala Mo Kaya na gawan na sila agad ng isang masayang episode. Bilisan na raw, habang hindi pa lumalamig ang init ng kanilang publicity.

MAY PAHABOL NA balita ang aming very reliable source from the U.S. of A.

Nagkaroon daw ng samaan ng loob ang magkaibigang Claudine Barretto at Piolo Pascual nang bumiyahe ang grupo ng Star Magic mula sa Los Angeles patungong San Francisco.

May kinalaman daw ito sa pagsakay ni Piolo sa eroplano sa halip na sumabay sa van na naghatid sa kanila sa Sanfo.

Hindi raw ito lingid sa kaalaman ng lahat, dahil nag-alala sila na baka maapektuhan ang kanilang show sa Cow Palace. Hindi naman daw nagbigay ng dahilan si Piolo kung bakit ginusto niyang humiwalay sa grupo. Pero, balitang nakipagkita siya sa kanyang anak na si Iñigo at wala nang panahon para ipaalam niya ito sa grupo.

Hindi kasi makatawag ng cellphone si Piolo habang nasa loob ng lumilipad na eroplano. But knowing Claudine and Piolo, agad nilang aayusin ang anumang hindi pagkakaunawaan, maliit man ito o hindi.

MARAMING NAGTATANONG KUNG bakit wala man lamang ni isa sa immediate family ni Carla Abellana ang dumating sa kanyang launching bilang Rosalinda.

Naibulong sa atin ni Carla na ayaw raw matawag ng kanyang lola Delia (Razon) na stage lola. Hindi naman niya maipaliwanag kung bakit pati mommy niya ay hindi rin sumipot. Hindi ba sila proud na heto ang apo at anak nila at natupad na ang pangarap na maging bida agad sa isang teleserye? Kahit si Rey Abellana, invisible din. Takot na masabing ginagamit ang anak para makabalik-showbiz?

Hindi nga ba nabuo ang kaligayahan ni Carla nang gabing iyon?

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

11 thoughts on “Piolo Pascual at Claudine Barreto, may samaan ng loob?!

  1. napanood ko yun sa the buzz, i know maayos din ni kris at ruffa yun issue…kung ano man yun…at kay kris wag mo naman lagi asarin at kontrahin si ruffa, okay,,at kay ruffa sagutin mo lang si kris at be patient kasi nasa showbiz kayo diba? at kay tita anabel wag kana naman mandamay ng ibang tayo kasi between kris at ruffa lang naman yun usapan…

  2. I dont want ruffa and johnlloyd as loverz. As a fan lang ha. They both dEserve someone na bAgay sa kanila.! Puro sila kaArtehan lalo na ang mga GUTIEREZ, MGA EPAL SA SHOWBIZ.

    Panget ang aCting ni cArla sa teaser ng Rosalinda. MALAMYA.

  3. I DON’T BLAME PIOLO IF HE WANTS TO SEE HIS SON FIRST. MASKI SINONG MAGULANG GAGAWA NANG PARAAN PARA MAKAPILING ANG ANAK NA MATAGAL HINDI NAKIKITA. LOS ANGELES IS APPROXIMATELY 7 HOURS DRIVE TO SAN FRANCISCO. BY PLANE , WILL ONLY TAKE APPROXIMATELY 50 MINUTES. IYONG 6 HOURS NA MASA SAVE NIYA CAN BE SPENT WITH HIS SON. HINDI DAPAT MAGTAMPO SI CLAUDINE. MAY MGA ANAK DIN SIYA. I TRAVELLED TO WORK FROM THE BAY AREA TO L A BY PLANE EVERY OTHER WEEK. I NEVER HAVE ANY PROBLEMS MEETING MY SCHEDULE. CLAUDINE, THIS IS A NON-ISSUE. DON’T WASTE YOUR STRENGTH.

  4. may nakatapat si madam auring, hahaha! bakit kasi hindi na lang siya magtayo ng kubol sa harap ng quiapo at manghula eh. Nag-iingay na naman yan para mapagusapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.