Piolo Pascual, ‘di kayang ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya si KC Concepcion!

NAGTATAKA ANG MARAMI kung bakit daw hindi kayang ipagsigawan ni Piolo Pascual sa buong mundo na mahal nga niya si KC Concepcion. Halos pagpawisan na nga nang husto ang aktor na parang nasa hot seat nang sumalang sa interview ni Toni Gonzaga para sa segment na TGIS (Toni Gonzaga’s Investigative Statement) sa The Buzz recently.

Yes or no lang ang hinihinging tugon ni Toni kay Piolo, hindi talaga makasagot ang aktor. Pangiti-ngiti lang na ang tanging nasambit: “Kung sasabihin ko ‘yon, mas gusto kong sabihin sa kanya kesa sa harap ng maraming tao.”

Ganyan?

Hindi kaya maging minus pogi points ito kay Piolo sa paningin ni KC? Siyempre ang mga babae, mas gustong marinig ngang kayang ihayag ng lalaki ang pagmamahal sa kanila sa harap ninuman, anumang oras, at maski saan. At ‘yong kaya itong panindigan hindi lang sa salita kundi pati sa gawa.

Hindi rin maiwasang may mga magtanong kung gaano ba talaga ka-sincere sa kanyang hangarin si Piolo para kay KC. Si Toni rin, nausisa ang aktor kung paano nga ba ia-assure ng binata na aalagaan ang dalagang anak ni Sharon Cuneta.

Sagot ni Piolo: “If one year is not enough, then I guess… tinatrabaho iyan, eh. And I’m working for it.”

Si Toni, sa softdrinks commercial kung saan una siyang napansin, nagawang isigaw nang buong ningning ang “I love you, Piolo!” Si KC naman daw kaya, kailan din magagawang isigaw iyon?

Si Piolo muna ang sa tingin naman ay dapat isigaw nang bonggang-bongga ang “I love you KC!” Dapat lalaki ang nauuna at hindi ang babae, ‘di ba?

Naman!

IN FAIRNESS KAY Toni Gonzaga, she is indeed a good replacemet kay Kris Aquino para sa The Buzz. Kahit nga siya na lang at wala na si Charlene Gonzales (na mas bagay sa isang morning o celebrity talk show) bilang karagdagang kasama nina Boy Abunda at KC Concepcion sa nasabing showbiz-oriented show, solve na para maging interesting panoorin ang show.

Hindi lang kasi basta magaling na host itong si Toni, napaka-witty at humorous pa. Laging may nakahandang punchline na talagang maaaliw ka.

Isa pang nakabibilib kay Toni, ‘yong tapang niya na diretsahang makapagtanong sa artistang ini-interview niya. ‘Yong alam ang itatanong at napupulsuhan din kung ang ano inaasahan ng viewers na dapat itanong tungkol sa kinakapanayam niyang celebrity. At ramdam mong nag-research siya hinggil sa isyung pag-uusapan at hindi ‘yong asa na lang sa ipi-feed ng writers ng show.

Gano’n ang katangian bilang host ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda. At si Toni na kayang sumabay sa gano’ng level ng hosting, she can really be a Queen of Talk naman in her own right.

She won’t be last year’s PMPC Star Awards For Television’s best female showbiz-oriented talk show host if she does not excel sa gano’ng larangan.

Go… Toni… go!

EXCITED SI RHIAN Ramos sa Romana Santa, ang pinakabagong primetime soap opera ng GMA-7 na nakatakdang pagtambalan nila ni Aljur Abrenica at inaasahan umano niyang magiging maganda ang kanilang chemistry.

“Napapanood ko sila ni Kris (Bernal) noon sa TV. Nakikita ko ‘yong kakaibang karisma niya (Aljur) na nakita ko sa ibang artista.

“Parang ‘yong kay Chard (Richard Gutierrez), gano’ng klaseng karisma. Na parang, pagpasok halimbawa sa room, mapapansin mo na may dating talaga. ‘Yong gano’n.”

Inaasahan na raw ni Rhian na sa pagtatambal nila ni Aljur ay malamang na ma-link sila sa isa’t isa. Lalo pa nga’t halos araw-araw daw silang magkakasama sa taping ng seryeng gagawin nila.

Tiyak din umanong magiging close sila kaya hindi malayong pag-ugatan ito ng malisyosong mga tsismis. Hindi rin daw masasabing imposibleng mahulog ang loob nila sa isa’t isa sa while working together.

“Sa ngayon, gusto kong i-approach ‘yong project na trabaho. Kung may mangyaring anuman sa labas ng trabaho, well minsan nangyayari talaga iyon. ‘ Di ba?” pahayag pa ni Rhian.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

13 thoughts on “Piolo Pascual, ‘di kayang ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya si KC Concepcion!

  1. SABLAY si KC plastic magsalita, pinipilit na gayahin ang nanay niya, e super kinaiinisan na nga ang kilos ni ate shawie sa Sharon cuneta show.
    Si Piolo dumidikit lang KC para mapagusapan, actually suka siya KC dahil pareho sila GAY , si KC mukhang GAY

  2. ang comment ko lang sa mga new hosts ng The Buzz sana tumulad sila kina Boy & Kris na magaling makinig sa mga iniinterview nila. kasi silang mga new hosts including KC mas madaldal at mas sila pa yung sumasagot sa mga tanong nila kesa sa mga iniinterview nila parang si cristy fermin.

  3. *Si Piolo muna ang sa tingin naman ay dapat isigaw nang bonggang-bongga ang “I love you KC!” Dapat lalaki ang nauuna at hindi ang babae, ‘di ba?*

    Ano ba!! Eh babae nga rin siya eh. Ang kuletttt ajejejeje!

  4. it’s not just na bading si papa piolo.. ofcors kailangan patagalinnya ang tsismis na ito para nga naman may balita pa sa kanya.. piolo pleae lang wag kang gumamit ng babae for ur own good. kung gusto mo lumigaya magpakatotoo kna lang. kse talagang umaalingasaw ang pagka kloseta mo.

  5. bakit ang mga pare-pareho ang mga artista sa GMA
    telesersye? mga bago nga ang teleserye pero pareho
    din ang mga stars sa nakaraang teleserye, nakakasawa
    na.

    • Oo nga eh, ganun din sa ABS CBN…si enchong, si erich, si Kim and gerald…Jake Cuenca…etc. Sana bigyan naman ng break ang ibang nakatinggang artista.

  6. “Sa ngayon, gusto kong i-approach ‘yong project na trabaho. Kung may mangyaring anuman sa labas ng trabaho, well minsan nangyayari talaga iyon. ‘ Di ba?” pahayag pa ni Rhian.”

    HAHAHAHAHAHA !!! exact same words of rhian nung mag-uumpisa ang team-up nila ni dingdong sa STH !!! kelan ka ba matututo rhian na hindi mo kailangang sumakay sa ek-ek na madedevelop kayo ng partner mo para lang kumita ang show ??? alam mo kung ang ginagawa mo eh yung sabihing hindi naman kailangang may mangyaring romance sa magka-pareha para lang mag hit, mas ire-respeto ka pa ng maraming manonood…

  7. Napanood ko ang segment na ito nang The Buzz. Talagang magaling si Toni. Very spontaneous ang questions niya at “make sense” pa. Hindi maiinsulto ang guest pero at the same time, natatanong ni Toni ang mga tsismis na hinihintay nang madla ang kasagutan. Si KC, medyo pautal utal pa sa pagtatanong at paulit ulit. Ganon rin si Charlene. Bagay sa personalidad ni Charlene, morining shows katulad nang KIDDIE SHOWS. We look forward to watching The Buzz every Sunday because of Toni.

  8. di ko ma-gets…kapag ipinagsigawan sasabihin bakit kelangan sa tv pa…inexplain na nga nya na better kung sa harap nya mismo sasabihin…

    di ba nagka-issue na nga ‘yan before… mas sinasabi pa nya before sa media kesa kay kc…now that he chooses to keep it private…may reklamo pa rin…

    haiiizzzz…di mo na alam talaga kung saan lulugar…

Leave a Reply

Your email address will not be published.