Piolo, hamon sa pagkalalaki ang panindigan si KC!

BONGGA ANG PASOK ng bagong taon kay Piolo Pascual, dahil nakatawag-pansin ang pag-amin niya, na si KC Concepcion na ang babaeng gusto niyang iharap sa altar balang-araw. Kaya lang, magi-ging napakalaking hamon para sa guwapong aktor na panindigan niya ang kanyang salita. Kasi nga, kahit naman ang ilang taong malalapit na sa kanya, napapabuntong-hininga na lang at tumataas ang mga kilay sa tuwing pinag-uusapan ang closeness nilang dalawa ni KC, lalo pa’t kung ang inuurirat na sa kanila ay kung may ligawan na ba talagang nagaganap?

Pero siyempre, hindi naman laging hayag sa mga taong malalapit kay Piolo kung sinu-sino ba ang mga babaeng nakakasama niya at nagiging malapit sa kanya. Pero nitong huli, marami nga ang nakakapansin, na wala na ring ibang lalaki na nali-link kay KC, dahil palagi  ngang   si  Piolo ang lalaking nakadikit sa kanya ang pangalan. Hitsurang kahit ang ibang lalaki sa showbiz na gustong pumorma sa anak ni Sharon Cuneta ay natameme nang pormahan ang dalaga, dahil naiilang silang makakumpitensiya ang kaguwapuhan ni Piolo.

Ang hamon nga ngayon sa pagkalalaki ni Piolo, panindigan niya ang kanyang mga salita tungkol kay KC. Idiretso niya ang landas patungo sa pagkakatuluyan ng kanyang iniisip, na si KC na nga ang babaeng gusto niyang pakasalan. Hindi na siya bumabata, dahil halata na iyon sa kanyang hitsura, lalo pa’t lumantad na nga ang guwapo niyang anak na si Iñigo.  Walang tumututol sa puwedeng ma-ging relasyon nila ni KC, dahil maging ang kanyang pamilya ay botong-boto sa anak ng Megastar. Tigilan dapat ni Piolo ang salitang huwag siyang madaliin sa pag-aasawa, dahil hindi na bagay sa edad niya ang ganu’ng mga salita.

CONSISTENT NAMAN SI Richard Gutierrez sa kanyang ugali, na kapag mayroon siyang babaeng nililigawan hanggang sa maging karelasyon na niya iyon, hindi naman talaga siya umaamin, kundi magkabulgaran na lang dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Ganu’n lagi ang kadramahan niya. Kaya nga sa ngayon, kahit hindi pa siya umamin tungkol sa relasyon nila ni Solenn Heussaff, okey lang. Halata namang sila sa kanilang mga kilos kapag magkasama sila, na parang mayroon na talagang “something” sa kanilang dalawa.

Anak kasi si Richard ng mga artistang sumikat nang kanilang kapanahunan sa showbiz, na sina Eddie Gutierrez at Annabelle kaya alam nila ang kahalagahan ng popularity. May magic naman talaga sa kasikatan ni Richard ang   istilo    niya,   na    kahit   karelasyon na niya ang isang babae, wala siyang inaamin, bagkus ay lagi na lang siyang naglalambing sa press na ibalato na lang sa kanya ang usapin tungkol sa kanyang lovelife. Selyado rin ang bibig ng mga kapamilya ng aktor na magkuwento kung sino ang karelasyon ni Chard. Nagkukuwento lang sila kapag nagkabukingan na.

Nagtatagal din naman ang mga pakikipagrelasyon ni Richard, pero mas tutok siya sa kanyang career. Nakakaawa nga kung sino man ang bagong babae na kanyang karelasyon, dahil sobra pang iniingatan ng brother ni Ruffa Gutierrez ang kanyang popularity. Ang dami-dami pa niyang gustong gawin para mag-grow pa siya bilang actor at bilang tao. Hindi nagmamadali   si    Chard    na   magpakasal, kaya ang dusa ng babaeng makakarelasyon niya, kung kailan siya pakakasalan?

POSITIBO ang ugali ni Aljur Abrenica, na sa anumang mga bagong dumarating sa kanyang career, hinay-hinay lang siya at hindi nagpapaapekto sa mga papuri at pambobolang sikat na sikat na siya. Hanggang ngayon kasi, ang tingin ni Aljur sa kanyang sarili, para pa rin siyang nagsisimula sa showbiz. Na nagugulat pa rin lalo na’t nabibigyan siya ng malaking pagtitiwala ng GMA-7 na makapagbida sa mga teleserye. Hindi niya iniisip na dapat ipagyabang ang makapagbida.

Pinagtatapat na naman ngayon sina Aljur at Gerald Anderson. Ilang ulit na ring pinagkumpara ang kanilang kasikatan, pero ang tingin ni Aljur sa ganito, bahagi lang talaga ang mga intriga at katuwaan sa showbiz, kaya hindi siya nagpapaapekto.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.