Piolo, gulay ang ipinadadala kay KC hindi chocolate!

EXCITING ANG PAGPASOK ni Piolo Pascual bilang tunay na Gabriel sa well-loved Saturday afternoon series Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja as he enters the mystical world of Kristine Hermosa.

“Actually, mas nauna pang i-offer ang May Bukas Pa before Maruja. I want to be paired again with Kristine. Naiisip ko with Kristine it’s something, gusto ko uli siyang makasama, kasi matagal na kaming hindi nagkakasama. My next movie would be with Kristine so, parang pinag-isipan kong mabuti kung alin ang mas maganda. Since matagal na rin naman akong hindi lumabas and ‘yung Lovers in Paris is coming on August pa.” Intro ni Papa P.

Nasa original cast pala si Piolo bago pa lamang mag-umpisa ang nasabing mystery soap. “Even before, hindi pa ipinalalabas ‘yung Maruja, nakapag-taping na ako. Tapos na ako bago pa ma-air ‘yung show,” sambit pa ng actor.

Working relationship with Kristine? “Nakakatuwa, Kristine and I are friends. From Star Magic, nakita namin ang isa’t isa, nag-grow. Excited din akong mapanood ‘yung mga eksenang nagawa ko, because ngayon ko lang uli nakasama si Kristine after 10 years na magkasama kami sa Sandaling Kailangan Mo Ako. I think after Lobo, hindi na nila ako nakita sa primetime. For me, bago ipalabas ‘yung Lovers in Paris, makita man lang tayo sa TV.

“I would say, Kristine is one of the top 3 beautiful, prettiest faces in the business. Masasabi ko, hindi ka talaga magsasawang tingnan siya. Hindi mo alam kung saan nangagaling ang ganda ng babaeng ‘yan. She’s fun to work with, napakabait, napaka-gracious. Kahit ano ang ipagawa mo sa kanya, kaya niya. Whenever she’s cries, she’s still pretty, ang sarap panoorin,”pahayag ni Piolo.

Inamin ni Piolo may special someone ngayon sa buhay niya. Taga-showbiz at nasa Kapamilya network. Kayo na nga ba ni KC? “Hindi po, magkaibigan lang kami. We’re good friends. Ang hirap namang sagutin! Nanliligaw ako, matagal na. You know we’re coming up with Lovers in Paris. Baka sabihin ng mga tao, ginagamit ko for promo. Sabi ko, whatever personal things we have, we keep it to ourselves. So, whatever comes out, alam na ng tao,” seryosong wika ni Piolo. Ayon pa rin sa aktor, Sir at Ma’am ang tawag niya kina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan.

Ibig kayang sabihin, seryoso talaga ang pangliligaw ni Piolo kay KC ? “Traditional way po, umaakyat ng bahay, nagpapadala ng flowers, hindi chocolate kasi nakakataba ‘yun. Pinadadalhan ko siya ng gulay, joke lang! Hahaha!”

Reaction ni Piolo sa pagpapakasal ni Rica Paralejo? “Happy ako for her, happy ako for them. I know the guy and it’s a blessing, you know.”

Kailan kaya lalagay sa tahimik si PJ? “Parang nag-aasawa na silang lahat. For me, as much as I know, nakaka-pressure, lahat sila nagpapakasal na. I’d rather concentrate on the moment, when it happens. Kung iisipin mo, may girlfriend ka, ano ba ‘yun? Sasabihin mo na ba sa mga tao? You wanna see it happens in a natural way, para hindi mo iisipin na may edad ka na. Hindi mo iisipin na kailangan na dahil nahuhuli ka na, hindi! So, I’d rather wait and see kung kailan at kung papaano mangyayari,” paliwanag ng aktor.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.