Piolo, 5 taon nang idine-date si Shaina

Tahimik lang si Piolo Pascual na akala ng marami ay zero ang lovelife. Si Papa P. ay pumapag-ibig din pala without us knowing kung ano ba talaga ang mga kaganapan ng puso niya.

Piolo Pascual

Sa Star Magic @ 25 Thanksgiving event ay inamin niyang, “Shaina and I are… mahirap i-label, I guess. So whatever it is, I guess we just have to mutually respect everyone involved and not to talk more about it. Kasi ang hirap, nagkakaedad ka and I’ve been with her for five years na, exclusively dating. But I know and she knows that we don’t date out of what we have,” paliwanag niya sa press.

Noong year 2012 pa nagsimula ang “something” between him at ni Shaina na hindi lang pinag-uusapan masyado sa media.

Isang bagay na ayaw niyang masyado idetalye kung ano man meron sila ng dalaga. Sabi ng aktor, “I try to choose the right words to say. Kasi parang at the end of the day, ‘yung sincerity naman nu’ng tao ‘yung importante at ‘yung truthfulness sa sinasabi niya. So, I just choose my words. But whatever she and I have, it’s really something that we value. Something that we treasure and we appreciate about what we have.”

Basta ang mahalaga ay happy si Papa P. sa kung ano mang mga ginagawa niya at gustong maganap sa buhay niya, na ang mga tagahanga at mga taong nagmamahal sa kanya ay all-out pa rin ang suporta sa aktor.

By the way, abangan ang aktor kasama ng iba pang Star Magic artists (Liza Soberano, Enique Gil, Sam Milby, Raver Cruz, Kim Chiu, Janella Salvador, Bea Alonzo at marami pang iba) para sa Star Magic Tour in Tampa, Florida (April 8); Vancouver, Canda (April 9); and San Francisco, California (April 15).

In August, join ulit si Papa P. sa triathlon in Cebu kasama sina Matteo Guidicelli at Ivan Carapiet.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.