Pinutulan pa ng ari ang mister
Misis, pinagsasaksak ang mag-aama

PATAY ANG mister at isang anak ng isang misis habang sugatan ang dalawa pang mga anak matapos na saksakin gamit ang gunting sa Barangay Bacuyangan, Zone 1, bayan ng Hinobaan, Negros Occidental dakong alas-6:45 kamakailan.

Ayon sa panganay na si Jevon John Galan, 11, pagbalik nito sa kanilang bahay matapos mautusang bumili ng gatas, nakita nito ang kanyang ina na si Arlene, 33, na may hawak na matigas na bagay.

Pinalo siya nito ngunit nagawa nitong tumakbo at humingi ng tulong.

Sa pagresponde ng mga kinauukulan natagpuan na lamang ang nakahandusay nitong ama na si Johnny Galan, 50, kasama ang kambal nitong mga anak na sina Jaymart at Jaymark, isang taon at anim na buwang gulang, at Johnny Jr., tatlong buwang sanggol.

Ayon kay PO3 Eddie Napoles, assistant investigator ng Hinobaan Police Station, isang gunting na may habang anim na pulgada ang ginamit ng salarin sa pagsaksak sa kaniyang mag-aama.

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian ng buhay ang ama at ang isa sa mga kambal na si Jaymart dahil sa multiple stab wounds.

Sa pagamutan nadiskubreng pinutol pala ni Arlene ang ari ng asawa nito na sa huli ay natagpuang naiwan sa kani-lang bahay.

Samantala, sinasabing may nervous breakdown si Arlene dahil ng kaniyang nagawang pamamaslang sa kanyang mag-ama.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.