Pinutol na Ari ni Mister, Ayaw Ibalik ni Misis

PATULOY NA pinaghahanap ang isang misis na salarin sa likod ng pagputol sa ari ng sarili nitong mister sa bayan ng Naawan, Misamis Oriental.

Sinabi ni P/Insp Joseph Yabo, hepe ng Naawan Police Station na hanggang ngayon ay nananatiling malaya pa ang suspek na si Cherlyn, 35, matapos nitong putulin ang ari ng kanyang asawa na si Cresencio, 32.

Nilinaw naman ni Yabo na hangga’t wala pang reklamo na dumarating sa kanilang tanggapan ay hindi rin umano sila makakilos upang tugisin ang nasabing ginang.

Sa ngayon, patuloy pa ring pinaghahanap ang naputol na ari ni Cresencio.

Ito’y dahil tinangay din ng salarin ang kaputol na ari na ginamitan ng matalim na kawit habang natutulog kamakailan.

Samantala, nananati-ling naka-confine pa rin ang biktima sa Northern Mindanao Medical Center sa lungsod.

Ayon naman kay Dr Glenn Huderes, attending physician ni Cresencio, nagtamo ang biktima ng tinatawag na penial injury and secondary to mauling.

Hindi rin masabi ng manggagamot kung may posibilidad pa ba na madugtong muli ang ari ng biktima na pinutol ng misis nito lalo na at ilang oras na rin ang nakalipas.

Napag-alaman din na ang mag-asawa ay parehong mayroon umanong kalaguyo kung saan ang misis ay anim na buwang buntis sa kapit-bahay nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.