Pinuno ng Tribu, Inambus; 2 Sugatan

SUGATAN ANG tribal chieftain ng tribung B’laan ng Bong Mal, Kiblawan, Davao de Sur at isang empleyado ng mining company na Saguittarius Mines Incorporated sa bayan ng Tampakan, South Cotabato matapos na tambangan ng armadong grupo sa Sitio Datal Nabong, Barangay Kimlawis,Kiblawan, Davao del Sur dakong alas-9:20 kahapon ng umaga.

Ayon kay Capt. William Alfredo Rodriguez, spokesman ng 102nd brigade ng Philippine Army, nag-convoy ang grupo ni Bong Mal, chieftain Neraldo “Dot” Capion, sa mga sundalo na nagpapatrolya sa lugar nang mangyari ang pananambang.

Nang makapanayam si Rodriguez, nasa lugar pa kung saan nangyari ang krimen, habang nagpa-patuloy naman ang pursuit operation ng militar sa hindi pa matukoy na mga armadong grupo.

Samantala, inaalam pa rin ng mga kinauukulan ang motibo ng naturang insidente.

Napag-alaman na si Dot Capion ang kamag-anak ng wanted na si Daguil Capion na matagal nang pinaghahanap ng pulisya sa bulubunduking bahagi ng tri-boundary ng Tampakan, South Cotabato, Columbio, Sultan Kudarat at Kiblawan, Davao del Sur.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.